Kailan balak ni Alessandra De Rossi magpakasal?

Inamin ni Alessandra De Rossi na kinukulit na siya ng kanyang ina na mag-asawa na.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/1/2017 9:41 AM
Kailan balak ni Alessandra De Rossi magpakasal?


 

All smiles ang aktres na si Alessandra De Rossi nang dumating ito sa UP Film Center para sa special screening ng kanyang bagong pelikula na 12 kung saan nakasama niya ng kanyang bagong leading man na si Ivan Padilla.

Ito din ang unang proyekto ni Alessandra bilang isang screenplay writer. Kuwento ng aktres na labis na saya din ang nararamdaman niya ngayon dahil nasa Pilipinas ang kanyang ina na si Nenita Schiavone na naka-base sa Italy.

"Anidito siya, yes! Saktong-sakto ang pag-uwi niya kasi yung Kita Kita hindi niya napanood, wala siya dito. Sakto pag-uwi niya palabas naman itong isang movie na special para sa akin," sabi ng aktres.

 

Ayon kay Alex, mahigit isang taon din na hindi niya nakita ang kanyang ina. Kagaya ng nakararaming nanay, kinukulit na din daw siya ng kanyang ina kung kailan ba niyang balak mag-asawa

"Nako 18 palang ako sinasabi niya, 'Mag-asawa ka na!' Because alam niya mag-isa ako sa buhay, mag-isa ako sa bahay. Siyempre gusto niya bilang magulang na may kasama ako, natatawa ako!" ani pa nito.

Nang tanungin naman si Alex tungkol sa usapin ng kasal, naging pabiro lang ang sagot niya dito.

"Kapag trip ko na!" pagbibirong sagot ng aktres.

Aminado din si Alex na hindi na niya nasunod ang ideal age na kanyang pinaplano noon para magsimula ng sariling pamilya.

"Gusto ko talaga mag-asawa mga 25 para bagets pa ako. 25 pwede pa magkaanak ng marami pero iba ang gusto ni God sa akin na at 33 single. Hindi natin alam kung bakit pero wala naman ako issue sa Kanya," paliwanag pa niya.

Single man, masaya pa din si Alex na masigla ang kanyang karera bilang isang aktres matapos ang naging hit movie ang Kita Kita na nagbukas ng mas marami pang oportunidad para sa kanya.

"Sa January uumpiahan na namin ang series na sinulat ko na The Diary of the Thirty Something. Yun comedy naman yun tapos ang AlEmpoy kasama po kami sa teleserye ni Piolo Pascual na To Love Somebody," pahayag pa ni Alex.

Ipapalabas ang pelikulang 12 ngayong November 8. Mula sa direksyon ni Dondon Santos.