Journalist Tony Calvento passes away

Magsisimula ang lamay para sa beteranong broadcast journalist bukas, October 10.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/9/2017 11:34 PM
Journalist Tony Calvento passes away


 

Pumanaw na ang beteranong kolumnista at broadcast journalist na si Tony Calvento ngayon, Oktubre 9 sa hindi pa nalalamang dahilan. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Sonny sa isang statement na kanyang inilabas sa media.

READ: Veteran journalist Tony Calvento passes away

"Papa, best known as Tony Calvento to friends and loved ones, has joined Our Creator today, 9 October 2017.”

Kilala din si Tony dahil sa crime and investigative program niya sa ABS-CBN na Calvento Files noong 1995 at tumagal ito hanggang 1998. Naging isang pelikula pa ito noong 1997 na prinoduce ng Star Cinema at pinagbidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, John Estrada at marami pang iba.

Dadalhin na ang kanyang mga labi sa The Heritage Park sa Taguig at magsisimula ang lamay bukas ng alas tres ng hapon hanggang Oktubre 13. Pagkatapos nito ay maki-cremate na ang kanyang labi.