• Home
  • Fresh Scoops
  • The blockbuster director speaks up on the controversy surrounding John Lloyd Cruz.

Cathy Garcia-Molina: ‘John Lloyd is a good man’

The blockbuster director speaks up on the controversy surrounding John Lloyd Cruz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/09/2017 09:21 AM
Cathy Garcia-Molina: ‘John Lloyd is a good man’

 

Isa si Direk Cathy Garcia Molina sa mga director na very close kay John Lloyd Cruz. Karamihan ng mga romantic comedy ni John Lloyd na naging blockbuster sa takilya na kasama si Sarah Geronimo ay idinirek ni Cathy.

Sa pinagdadaanan ngayon ni John Lloyd at sa pansamantala niyang pag-alis sa showbiz at leave of absence (LOA) sa ABS-CBN ay hindi naiwasang magbigay ng reaksyon ang director.


“Well, everybody goes through something. Kumbaga, if it’s this path for him to learn, hayaan mo siya, malaking tao na siya,” sambit ng director nang mainterbyu siya ng PUSH sa Seven Sundays presscon.

Nagkakausap ba sila ng aktor?

“The last time we talked, it was before these things came out, tapos hindi na siya…

“Ganun yon, eh, pag may problema hindi nagpaparamdam. Mas nagpaparamdam pa siya pag masaya siya. Pero pag may problema siya, hindi. I just texted him,” pero hindi naman daw ito nag-reply.

Naiintindihan din daw niya ang pinagdadaanan ngayon ng kaibigang aktor.

“Normal na tao si Lloydie. He might be an actor, he might be sikat but he’s human. Parang hindi niya karapatan pero parte ng buhay niya ang pagdaanan ang mga ito.
“Hayaan mo siya, matututo rin siya. And just like all of us, ako, nadapa, bumangon, hayaan mo siya,” she said.

Nagulat pa ba siya sa mga nangyari?

“Hindi. Iba naman itong ngayon siguro,” reaksyon pa niya.

“Ay ako, it’s not for me to judge, he’s a friend, he’s a good friend, I’m sure may dahilan kung bakit nagkaganun and I’m sure he has the intelligence also para ayusin yan at bumangon.
“At the end of the day, for me, John Lloyd is a good man. He’ll come around.”

Ano ang mensahe niya kay John Lloyd.

“Mahal ko siya. Yon lang ang tinext ko sa kanya. Sabi ko, ‘Lloydie, mahal kita.’”

Sa palagay ba niya nagsawa na sa showbiz si John Lloyd kaya ito nagdesisyong magpahinga muna?

“I don’t know.  It’s only John Lloyd who can answer that. And for me, he still has my respect and my love and my friendship.

“Kung kailangan niya, andito lang naman ako.  But for as long as hindi siya tumatawag, I know kaya niya, so let it be.

Samantala, huling pelikulang pinagsamahan nina Direk Cathy at John Lloyd ang Just The Three of Us kasama si Jennylyn Mercado.