• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang Pilipinas ang national director ng male pageant pero eventually, gagawin na rin ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Australia, waging Mr. Grand International 2017

Ang Pilipinas ang national director ng male pageant pero eventually, gagawin na rin ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/09/2017 09:39 AM
Australia, waging Mr. Grand International 2017

 

Kinoronahan na ang kauna-unahang Mr. Grand International 2017. Ginanap ang pageant night nung Biyernes, Oct. 6, sa Crossroads, Quezon City na nilahukan ng 25 male candidates from all over the world.

Ang Pilipinas ang national director ng male pageant pero eventually, gagawin na rin ito sa iba’t ibang  panig ng mundo.


Title holder ang representative from Australia na si Michael Angelo Syllas who is also the youngest among the candidates. He is only 19 years old.

Bukod sa kagwapuhang taglay ni Mr. Australia ay na-impress din ang judges kung paano siya sumagot sa dalawang rounds ng question and answer.

First runner-up naman si Mr. Thailand (Rachata Hamphanon), 2nd runner-up si Mr. Vietnam (Nguyen Tien Dat), 3rd runner-up si Mr. Germany (Hamid Noor) at 4th runner-up ang Philippine representative na si Joshua Reginald Banatin na mula sa probinsya ng Laguna.

Tinanghal namang Mr. Grand Sports Ambassador ang hunk na nag-represent ng  Dominican Republic
samantalang si Mr. Spain ang naging Grand Tourism Ambassador.