• Home
  • Fresh Scoops
  • Aljur also shares how much of a doting father he is to son Alas.

Aljur Abrenica on marrying Kylie Padilla: ‘Pinag-uusapan namin yung future’

Aljur also shares how much of a doting father he is to son Alas.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

10/09/2017 09:50 AM
Aljur Abrenica on marrying Kylie Padilla: ‘Pinag-uusapan namin yung future’
Photo credits to @kylienicolepadilla IG

 

Sa Rated K, excited sa pagiging daddy ang bagong Kapamilya actor na si Aljur Abrenica sa kanyang  two month-old baby na si Alas. Ayon kay Aljur, pinaghandaan nila ng kanyang partner na si Kylie Padilla ang pagdating ni Alas. “Umattend din kami ng seminar ng Doula and anything na makakatulong sa amin.” 

Nung gabi ng August 4 sinilang ang kanilang munting anghel. “Tinitingnan ko lang siya. That moment parang ngakaron ako ng peace. Nawala ako sa nangyayari, na nakafocus lang ako sa kanya,” kwento pa ng aktor.  


At kahit diumano puyat sa taping ay babangon si Aljur para mapa-arawan at makarga niya si baby Alas. “Kinakausap ko siya, kinukwentuhan ko siya tungkol sa kung gaano ko siya name-miss tuwing umaalis ako.”

Bukod dito, sinabi ni Aljur na pinaghahandaan na rin nila ni Kylie ang pagpapakasal. 
“Pinaguusapan namin yung future, kung ano yung mangyayari sa aming dalawa, sa kasal namin, sa family…”