Vivo Ouano says he has no intentions to offend gay managers on issue na 'gusto siyang asawahin'

Vivo Ouano also reveals why he left showbiz years ago.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/08/2017 11:05 AM
Vivo Ouano says he has no intentions to offend gay managers on issue na 'gusto siyang asawahin'

 

Sa interbyu ng PUSH sa Wildflower star at hunky actor na si Vivo Ouano sa presscon ng sex comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) ay kumambyo siya sa mga kontrobersyal niyang pahayag tungkol sa mga bading na talent manager.

Sa previous interview kay Vivo, naisiwalat niya na maraming bading na talent manager ang balak siyang i-handle pero sa kondisyong makikipagrelasyon siya sa mga ito o aasawahin siya.


Paglilinaw ni Vivo, “Naku, sorry kung may na-offend ako sa mga nasabi ko dati, pero wala po akong intensyong maka-offend ng kahit sinong talent manager na bading. Nasabi ko lang yon kasi noong teenage years ko, after Starstruck, eh, marami naman talagang ganung offer.

“Pero noon pa po yon. Bata pa ako non, Wala pa akong asawa’t at anak noon. Hehehe!”

Totoo din daw na yon ang dahilan kung bakit hindi na siya kumuha ng manager.

“Totoo rin po yon. Kasi iba nga yung gusto nila noon. Until nag-decide na lang akong umalis sa showbiz.

“Pero hindi ko naman sila nilalahat. Marami rin namang managers ang willing tumulong nang walang kapalit. Kanya-kanyang paraan din lang naman yan para sumikat at hindi ako nagdya-judge ng tao, pero parang ano, eh…” bitin niyang pahayag.

Na-miss ni Vivo ang showbiz kaya raw siya bumalik sa pag-aartista.

“Pero nagdalawang isip ako. Hanggang nag-audition ako sa Wildflower tapos nagkaroon ng show. Hindi man ganun kalaki yung role, pero okey na rin sa akin.

 “Siguro, gusto na rin ng Diyos kaya ako nakabalik dito. Siyempre, nag-ask ako sa Kanya ng guidance kung para sa akin ba ‘tong showbiz o hindi.

“Nung nasa GMA kasi ako, matagal akong nakatengga, eh. Wala akong trabaho,” kuwento pa ng guwapong aktor.

Sa sex comedy play na Solo Para Adultos ay inamin ni Vivo na dumaan din siya sa audition.

“Sinabihan lang ako na mag-audition tapos sinubukan ko. Ayun, sinuwerte naman, nakuha naman,” ani Vivo.

Daring si Vivo sa first attempt niyang sumabak sa stage play dahil may love scene siya with 2017 Mr. Gay World title holder na si John Raspado.

Hindi ba siya nailang na gay ang kapareha sa play?

“Nung una, medyo nailang talaga ako. Pero habang tumatagal, habang nagre-rehearse kami, nagiging komportable na rin,” pahayag niya.

Hindi ba naman niya nararamdaman na parang nagte-take advantage ang kapartner niya sa kanilang mga eksena?

“Ay wala naman ganun. Hindi naman. Pero napapansin ko, minsan kinikilig siya,” sabay tawa niya.

After the stage play at wala pa ring nangyari sa kanyang showbiz career ay handa naman daw siyang tumulong na lang sa misis niya sa kanilang business.

“Sa akin, kung hindi talaga sa akin ang showbiz, hindi ko na rin ipipilit. Like before, tumigil kasi ako ng almost five years.

“After nung nangyari sa akin, sabi ko ayoko na mag-artista, pahinga na lang ako. Tapos yun, nagka-baby. Matagal din akong tumigil. Ngayon kung wala na talagang magkagusto sa akin, ititigil ko na lang din,” seryosong pahayag ni Vivo.

Samantala, bukod kina Vivo at John, kasama rin sa Solo Para Adultos na prinodyus ng Red Lantern Production at idinirek ni Bong Ramos sina Mosang, Bryle Mondejar, Andres Vasquez, Tori Garcia at si April ‘Congratulations’ Gustilo na nakilala noon sa Wowowee.

Gaganapin ang stage play sa Music Museum on October 20.