Anak ni Melanie Marquez na si Michelle Dee sasabak na din nga ba sa beauty pageant?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/08/2017 11:02 AM
Anak ni Melanie Marquez na si Michelle Dee sasabak na din nga ba sa beauty pageant?
Photo credits michelledee IG

 

Aktibo ngayon sa larangan ng modeling ang anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez na si Michelle Dee.

Isa din si Michelle sa mga hinihikayat ng marami na sumali din sa pageant scene. Para kay Michelle, hindi ito nawawala sa kanyang options.


"It's always at the back of my head, you know? We'll just see the plans of those people handling my career. Si mommy naman, ang lagi lang niya sinasabi na seryosohin muna ang career na mayroon ganon huwag muna love life," pahayag ni Michelle sa BlueWater Day Spa kung saan isa siya sa mga brand ambassador.

Ayon pa kay Michelle, priority niya muna ngayon ang modeling career na mayroon siya.

 

Comfort + style = 💎 #BenchHeritage #Bench30Years #LoveLocal 💯

A post shared by Michelle Marquez Dee (@michelledee) on

"I love seeing active naman talaga sa ginagawa ko (modeling career) when it comes naman sa path ng mom ko (beauty queen) we'll see. I'm not closing doors naman with that," ani pa ni Michelle.

Hindi din umano naging issue na ikumpara siya sa kanyang Miss International na ina. Aniya, all out support pa sa kanya nag kanyang mommy Melanie pagdating sa advice.

"Comparison is always there but my mom is making sure na hindi ako na pe-pressure ng ganon. Kasi siguro naman alam natin na the pressure will be on my shoulders kung mangyari na sumali ako sa pageant. So siya laging chill lang, enjoy daw ang journey and learn the process."

 

 

Suh

A post shared by Michelle Marquez Dee (@michelledee) on

Todo din daw ang guidance ng kanyang mommy kahit sa kanyang love life.

"Kailangan daw muna dumaan sa kanya ang mga manliligaw sa akin. E ako naman when I open my doors kapag nasa right age na siguro ako. Kasi gusto ko muna mag-explore ng mga bagay na pwede ko pa gawin at my age," pahayag pa ni Michelle.