• Home
  • Fresh Scoops
  • Andre Yllana says mom Aiko Melendez also tries to be a father figure.

EXCLUSIVE: Andre Yllana admits mom Aiko Melendez teaches him about safe sex

Andre Yllana says mom Aiko Melendez also tries to be a father figure.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/07/2017 10:28 AM
EXCLUSIVE: Andre Yllana admits mom Aiko Melendez teaches him about safe sex

 

Proud mama’s boy si Andre Yllana. In fact, ang mommy niya ang ka-date ng binata sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Shangri-La Makati.

Wala rin daw siyang pakialam kahit pa tawagin siyang mama’s boy.


“Eh, ano naman po. Di bale ng mama’s boy, di ba? At least, alam ng tao na close kami,” reaksyon ni Andre.

Very open din daw sila sa isa’t isa ng nanay niya. In fact, sa huling kuwento ni Aiko, inamin nitong nakita niya sa history ng phone ni Andre nag-open ito ng porn site.

“Ano lang naman, tinuturuan niya lang akong mag-ingat ng… kumbaga po do’n sa safe sex… ganun.

“Kasi po, let’s face it, tumatanda na po ako. 19 na po ako, binata na po ako. Yung dating po kasi ng pagturo sa akin ni mommy ng mga ganung bagay po, ano po kasi, hindi po kami nagkikita ni daddy, so kumbaga po, pinipilit po ni mommy na kahit wala po si daddy, maging parang father figure rin siya sa akin.

“Kaya po yung mga ganitong bagay open po talaga kami sa isa’t isa. Wala po kasi talaga akong tinatago kay mommy. Lahat po alam ni mommy,” paliwanag ni Andre.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, ayaw masyadong umasa ni Andre.

“Kung ano lang po yung ibibigay ng Diyos sa akin. Thankful naman po ako kung ano man yon. Kung meron po, masaya po, kung wala, siguro hindi po para sa akin talaga yon.”

Inamin din ng binata na ramdam niya ang pressure ng pagiging anak nina Aiko at Jomari Yllana na parehong mahuhusay na artista.

Aniya, “Alam mo, actually po, yan yung ano, eh, yan po yung isa sa mga downside ko sa pagiging artista. Kumbaga, yan yung weakness ko po kasi ang laki ng expectations sa akin both sides po.

“So, alam n’yo po yon, ayaw n’yo man pong maging negative, pero talaga pong dumadaloy sa utak ko na, ‘paano yan kapag ganito, ganyan… paano kapag hindi ko na-meet yung expectations ng mga tao, paano kung i-bash ako, ganyan?’

“Pero paulit-ulit pong sinasabi sa akin ni mommy na whatever people say about you, as long as you’re doing what you want, hayaan mo sila,” sambit pa ni Andre.

Kaya ba niyang tularan ang mommy at daddy niya sa galing sa pag-arte?

“Siguro po, hindi man po matapatan yung galing nina daddy at mommy, kumbaga po, I will just do my best. Kung ano po yung kaya kong ibigay, hanggagn don lang talaga. Ayoko naman pong pilitin na magmumukha na akong trying hard,” huling pahayag niya sa PUSH.