• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla kinailangang sumailalim sa ‘healing therapy’

Zsa Zsa Padilla kinailangang sumailalim sa ‘healing therapy’

Malaking adjustment para kay Zsa Zsa Padilla ang kanyang pagpasok niya sa kanyang current relationship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/6/2017 9:22 AM
Zsa Zsa Padilla kinailangang sumailalim sa ‘healing therapy’


 

Nahirapan si Zsa Zsa Padilla na sagutin ang tanong ng entertainment press kung naniniwala siya kung love is lovelier the second time around nang makilala niya si Conrad Onglao.

Aniya, “I don’t know how to answer that question. I think, palagay ko, gumanda in such a way na mas natuto na ako.

“Number one, naintindihan ko na ibang tao na ito (Conrad). Kasi siyempre, nasanay ako sa isang relasyon na ako pala yung napagbibigyan palagi. Kasi nga, Dolphy is much older and kumbaga sa edad niya, ayaw na niya ng arguments kaya palaging ako na lang yung nagli-lead, ako yung nasusunod.”

Malaking tulong daw sa kanya na sumailalim siya sa isang healing therapy para mas maintindihan ang mga bagay-bagay.

“Kinailangan ko yon kasi pati yung… siyempre lahat tayo maraming issues mula pagkabata, di ba?” sambit niya.

“Pero depende naman yon, kung ang buhay mo gusto mong maging kuwento ng Maalaala Mo Kaya, puwede mo naman dalhin don, eh.

“If you really talk about all the hurts and hardships that you went through in life. Pero if you want to veer towards a more positive… so, I think, nung namatay kasi si Dolphy may mga nagbukas na issues sa pagkabata ko. So ganun, kinailangan ko talaga ng healing therapy,” tuluy-tuloy na paliwanag ng singer-actress.

Natutunan din daw niya sa healing therapy na huwag pagkumparahin si Dolphy at Conrad.

“I had to understand that. And with the healing therapy that I underwent, naintindihan ko na ibang tao si Conrad. Hindi ko siya puwedeng i-compare (kay Dolphy). Because you can’t help but be comparing kasi don ka nasanay, eh.

“Kung saan ka nasanay, parang feeling mo, oh, itong karelasyon mo dapat ganun din, ganun yon di ba? Kaya siyempre, I had to learn to adjust especially the second time, kasi kailangan give and take talaga,” pahayag ulit ni Zsa Zsa.

Hindi naman itinanggi ni Zsa Zsa na hanggang ngayon ay malaki pa rin ang epekto sa kanya ng kantang “Through The Years” na theme song nila ni Dolphy.

“I still feel so much. Because that love will always be there. No matter what other people say, it’s mine, eh. People can say whatever they want, but sa amin ‘yun, eh. And nobody can take that away from me.

“It’s just that he had to go ahead. He’s in a different… he’s in heaven or different realm or… parang ganyan,” katwiran ni Zsa Zsa sa PUSH.

Samantala, isa si Zsa Zsa sa lead stars ng pelikulang Bes and the Beshies na showing on October 18. She is portraying the role of a martyr wife in the film na ayon sa kanya ay malayung-malayo sa kanyang totoong buhay.

Joining Zsa Zsa in Bes and the Beshies are Ai-Ai delas Alas, Beauty Gonzalez, Carmi Martin and a lot more.