Joross Gamboa masaya sa sunod-sunod na movie projects

Joross Gamboa, maraming naka-line up na movie projects

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/06/2017 09:29 AM
Joross Gamboa masaya sa sunod-sunod na movie projects
Photo credits to @jorossandkatz IG

 

Gabi-gabing napapanuod ngayon ang aktor na si Joross Gamboa sa top-rating teleserye na La Luna Sangre kung saan ginagampanan niya ang papel na si Barristo.

Bukod sa La Luna Sangre malaki din ang pasasalamat ngayon ng aktor para sa sunod-sunod na mga proyekto na kanyang natatanggap, gaya na lamang ng muling pag-release sa sinehan ng I Love You Thank You na isang gay themed-hugot movie.


" I Love You Thank You na shoot namin ito sa Thailand, Vietnam, and Cambodia. Istorya ito ng mahal kita, mahal ko siya, at mahal niya ako, yun hindi nagtutugma kaya I Love You Thank You," sabi ni Joross.

Magbibida din si Joross sa isa pang comedy drama movie na Deadma Walking kung saan makakasama niya ang aktor na si Edgar Allan Guzman.

"Mayroon pa sa ngayon na tapos na namin Deadma Walking kasama ko dito si Edgar Allan Guzman and directed by Julius Alfonso. Tungkol ito sa mag-friendship na beki walang relasyon dito tungkol sa friendship lang talaga."

Mula gay movies, isang pelikula din ang nakatakdang pagsamahan ni Joross at Judy Ann Santos na Ang Dalawang Mrs, Reyes kung saan gaganap siya bilang kabiyak ni Juday.

"Sobrang thankful ako kasi naging asawa ako dito ni Ms. Judy Ann Santos kasama ko din dito sila Angelica Panganiban and JC De Vera. Sa ngayon wala pang masyado matindi, more on usap-usap palang kasi kaka simula pa lang namin mag shoot," kuwento ni Joross.

Bukod sa gay movies at isang pelikula with Judy Ann Santos, hindi din papaawat si Joross sa pagbibigay ng maaksyon na karakter para naman sa pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

"Masaya kasi iba yung action e, saksakan ng kutsilyo to saka barilan sa mukha ito masasabi ko na pang lalaki talaga. Kaya sobra mag-eenjoy sila dito," pahayag ni Joross.