Jake Zyrus inaming masaya ang kanyang puso ngayon kaya’t challenge ang umawit ng isang ‘hugot’ song

Nagbigay detalye ang singer sa kanyang bagong proyekto

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/06/2017 11:44 PM
Jake Zyrus inaming masaya ang kanyang puso ngayon kaya’t challenge ang umawit ng isang ‘hugot’ song

Bukod sa unang concert ni Jake Zyrus, abala din ito sa ilang project ng Star Music kabilang na ang pagiging kalahok niya sa 2017 Himig Handog Love Songs, kung saan aawitin niya ang kantang “Bagyo” na gawa ng songwriter na si Agatha Morallos.

 

"I would like to thank Ms. Agatha, siya yung songwriter na pumili sa akin to interpret her original composition na ‘Bagyo’ and magiging honest ako kasi mahirap yung kanta kasi yung words niya, yung meaning nung kanta napakalalim parang kahit wala ka naman pinagdadaan madadala ka ng kanta," bungad na kwento ng singer.

Ayon kay Jake parang bumabalik din daw sa kanya ang mga alala-ala ng kanyang pag-uumpisa ngayong muli siyang sasabak sa isang competition.

"Yes kinakabahan ako, kasi parang feeling ko bumabalik ako sa singing competition, yung ganun level ng feelings. Ang sarap lang kasi na experience ko ulit yung ganito. Kasi noon parang iniisip ko pa lang and now everything is happening," ani pa ni Jake.

Dahil hugot song ang napunta sa kanya, aminado si Jake na hirap siya na bigyan ito ng hustisya dahil sa kasalukuyang lagay ng kanyang puso.

"Masaya kasi ako !(laughs) Pero sabi ko nga kahit masaya ka, madadala ka sa meaning ng song kaya habang kinakanta ko yung piece, na teary-eyed ako kasi siyempre gusto ko mabigyang hustisya yung awit na gagawin ko."

Noong August, pinost ni Shyre Aquino, isang fitness instructor, sa Instagram ang picture nila ni Jake na may caption na, “I love you for who you are” kaya’t umogong na ito na ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso.

READ: Is she Jake Zyrus new girlfriend?

Ngayong October 6, opisyal na din maririnig sa MOR 101.9 ang sampu sa opisyal na kalahok sa Himig Handog 2017.