• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi malaking isyu sa director na hindi nagpro-promote si Rocky Salumbides ng kanilang pelikula.

Controversial transgender film ni Rocky Salumbides rarampa sa iba’t ibang international film festivals

Hindi malaking isyu sa director na hindi nagpro-promote si Rocky Salumbides ng kanilang pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/06/2017 09:09 AM
Controversial transgender film ni Rocky Salumbides rarampa sa iba’t ibang international film festivals

 

Bida ang model/actor na si Rocky Salumbides sa transgender film na Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko (Those Long Haired Nights) pero hindi siya nakausap ng press dahil wala siya sa presscon ng pelikula. Hindi na raw ito mahagilap ng production staff pagkatapos nitong gawin ang pelikula.

Ayon sa director ng pelikula na si Gerard Calagui, hindi na nila makontak si Rocky.


“Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin,” sambit niya.

Pero wala naman daw siyang tampo kung hindi man nagpo-promote ng pelikula ang aktor.

“Hindi ko naman nakikita na hindi siya tumutulong. Hindi ko siya tinitingnan sa ganun kasi nung hindi pa naman kami gumagawa ng effort to promote the film, alam ko naman na beforehand, mahirap siyang hagilapin.

“Kasi after the shoot noon, gusto kong mag-invite ng cast tapos hindi siya available. Kaya nagkaroon din ng extension yung ganung feeling, na wala akong expectation din na makontak ko siya kasi na-establish na kasi before na mahirap siyang hagilapin,” pagtatapat niya.

Satisfied ba naman siya sa naging portrayal ni Rocky bilang transgender sa pelikula.

“Yes, I was very satisfied with his performance. I was actually awed na nakatingin lamang ako sa monitor. Merong expression sa mata si Rocky na hindi ko ma-describe.”

Bukod kay Rocky who is playing the role of Barbie, kasama rin ang dalawang straight guy na indie actor na gaganap rin na transgender sa Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko. Sila ay sina Matt Daclan (as Tuesday) at Anthony Falcon (as Amanda).

Ang pelikula ay tungkol mga magkakaibigang transgender na rumarampa sa red light district ng Burgos Avene sa Makati bilang mga cross-dressing prostitutes.

Originally, balak ng director na mga totoong transgender ang gawing bida sa Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko pero di raw ito natuloy.

“Ang intended talaga na actors para dito noong nag-uumpisa kami ay mga tunay na LGBT, mga transgender people. Pero hindi siya naging posible dahil ang dahilan sa akin nung mga ininterbyu namin at nakasama sa research, baka kasi ma-jeopardize yung trabaho nila sa Burgos kasi maa-identified sila. Siyempre, irerespeto natin yon,” kuwento ng director.

Magiging Those Long Haired Nights ang English title ng pelikula kapag ipinalabas na ito sa international film festival. On October 12 ay nasa Busan International Filmfest ito para sa Asian Window section.

Kasali rin ito sa Hawaii International Filmfest, Thessaloniki Filmfest (Greece), Brisbane Filmfest (Australia), Taipei Golden Horse Filmfest (Taiwan), San Diego Asian Filmfest (USA) at sa local filmfest na QCinema International Filmfest na magsisimula sa October 19 hanggang 28.