• Home
  • Fresh Scoops
  • Psychologist Randy Dellosa advises Xander Ford to undergo counseling.

Xander Ford on getting counseling: ‘Gusto ko po muna i-achieve ang pangarap ko’

Psychologist Randy Dellosa advises Xander Ford to undergo counseling.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

10/05/2017 10:08 AM
Xander Ford on getting counseling: ‘Gusto ko po muna i-achieve ang pangarap ko’

 

Sa TV Patrol, nagbigay komento at payo si Pinoy Big Brother resident psychologist Randy Dellosa tungkol sa pagbabagong anyo ni Marlou Arizala na kilala na ngayon bilang Xander Ford. Aniya may positive side ito, “Nakamit niya yung pantasyang pagmumukha niya, nabo-boost ang self-esteem niya, siyempre happy din yung family niya. Nag-worldwide trending nga siya, most probably he’ll get a lot of projects.”

Pero kasabay nito may negative side din diumano sa publiko ang pag-undergo ni Xander ng cosmetic surgery. “Lalaganap siguro ang low self-esteem kasi ang mensahe if you don't like yourself, change the way you look.”


Kailangan din diumano ni Xander harapin ang reyalidad ng pagbabagong anyo  niya.

“Hindi naman natanggal yung mga insecurities niya, mga fears… Sa entertainment industry, there will always be a better face than you, so later on he will even get dissatisfied with his own face.”

Kaya ang advice ni Dr. Dellosa kay Xander ay, “So more important is get counseling to remove emotional baggage, take up courses to develop self-esteem. If he’s able to do that he will develop into a total person.” 

Pero ang sagot dito ni Xander ay, “Gusto ko po muna i-achieve ang pangarap ko. Bahay po, saka sasakyan.”