Jodi Sta. Maria, ipinaliwanag bakit may injury siya sa mata

Matipid pa din si Jodi sa detalye ng upcoming TV series niya kasama si Richard Yap at Robin Padilla.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/5/2017 3:44 PM
Jodi Sta. Maria, ipinaliwanag bakit may injury siya sa mata


 

Maraming fans ang nag aaalala ngayon at tila nagulat kay Jodi Sta.Maria sa kanyang pag-attend sa nakaraang Star Magic Ball.

Kitang kita kasi ang mapulang bahagi sa kanyang isang mata na inalam agad natin ang pinagmulan.

"Ok, number one a vein popped sa eyes ko. It's not dangerous, it's not painful, talagang gory lang ang itsura niya, pero ok siya and it will take siguro another week para mag-improve ang itsura niya," paliwanag ni Jodi.  

Dahil dito, kinailangan muna umano magpahinga ni Jodi at apektado ang isang pelikula na ginagawa niya ngayon.

"Itong week na ito hindi ako nakapag-shoot, kasi may sinu-shoot akong film ngayon. Because of what happened to my eye, rest muna," kwento pa niya. 

Bukod sa pelikula, inaabangan din ang pagbabalik teleserye ni Jodi kasama si Richard Yap at Robin Padilla pero pigil pa din sa pagbibigay detalye dito ang aktres.

"Naku yan pa ang hindi ko masasagot sa ngayon pero ang masasabi ko they have something to look forward to," pahayag ni Jodi.  

Maraming fans ni Jodi at Richard ang nasasabik ngayon sa kanilang napipintong balik-tambalan na lalo pang pinatingkad ng action superstar na si Robin.