• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Zyrus says he doesn't regret telling his side of the story on MMK.

Jake Zyrus on Mom Raquel: ‘Eto ka e at mamahalin kita kahit ano ka pa’

Jake Zyrus says he doesn't regret telling his side of the story on MMK.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

10/05/2017 10:13 AM
Jake Zyrus on Mom Raquel: ‘Eto ka e at mamahalin kita kahit ano ka pa’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, aminado si Jake Zyrus na mas magiging masaya siya kung magkakaayos sila ng ina niyang si Raquel Pempengco. Aniya, “Opo naman kasi importante po sa akin na kung mag-reach out po ako, I hope na two way street din po sana. Na yung feeling na maramdaman ba na yung … love and realization na, eto ka e at mamahalin kita kahit ano ka pa.”

Nang tanungin kung pinagsisisihan niya ang pagsabi niya ng version ng buhay niya sa Maalaala Mo Kaya, ayon kay Jake ay, “hindi po.”


Tungkol naman sa breakup nila ni Alyssa Quijano, nanindigan si Jake na hindi pera o third party ang naging cause ng paghihiwalay nila. “Yung feeling namin nung nagbreak kami walang heavy… we really talked it out… I guess talagang.. we were the case na talagang mas okay kami na friends kami.”

Nang tanungin naman kung ano ang nagawa niya sa past relationship niya na ayaw na niyang ulitin ngayon, sinabi ni Jake na, “yung nae-enjoy po namin ngayon may mga details na hindi alam ng ibang tao…” 

Dinescribe din niya ang girlfriend niyang si Shyre Aquino bilang “exquisite.”