Concert director Paul Basinillio sasabak na sa paggawa ng pelikula

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/05/2017 09:10 AM
Concert director Paul Basinillio sasabak na sa paggawa ng pelikula
Photo credits to @@paulalexei twitter

Looking forward ngayon sa panibagong proyekto ang award-winning concert director na si Paul Basinillo. Nakilala siya sa kanyang mga idinirek na concert gaya ng JaDine In Love at ang mga concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Nakilala din si Direk Paul sa mga music videos nila Gloc 9, Sarah G., Yeng Constantino at Bamboo.

Unti-unti na din sumusubok ang direktor sa paggawa ng mga pelikula gaya na lamang ng kanyang debut film na Tabi Po.


"Yes it's my directorial debut film series lifted from the award-winning graphic novel of Mervin Melonzo, Tabi Po. Set in the 1800s, during the Philippine revolution, it follows the story of three Aswangs named Elias, Tasyo, and Sabel,” paliwanag ng direktor.

Kuwento pa ni direk Paul, umabot ng mahigit isang taon para mabuo ang Tabi Po na kinuhanan pa sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas.

"Ang Tabi Po is led by Andy Alandy, Phoebe Walker, Joirdane Castillo, and AJ Muhlach. They auditioned for the role because of some nude scenes and gore. Siyempre to add more twists we shot it in multiple locations all around the Philippines that lasted for almost a year."

Dahil unti-unti nang nauuso ang mga film series sa cable channel, nais umano ni direk Paul na ipa-distribute din ang kanyang film series sa international channels.

"This series will initially air on Sari Sari channel under Cignal TV but will be shown in different digital platforms so there's a plan to show it internationally. This is a first in the Philippines to produce a film series of such quality," pagmamalaki pa ni direk Paul.

Dagdag pa niya, maituturing niya ang kanyang film series bilang simulain ng bago at dekalibreng mga pelikula.

"I always aspired to do direct a film series like the ones in Netflix, HBO, and Iflix. Now, I'm happy that there's local opportunity like this so i would like our kababayan to support for original stories and content that can compete globally. This one is a first," pagtatapos na pahayag ni direk Paul.

Mapapanuod ang Tabi Po simula ngayong October 27 8 pm sa Sari Sari Channel 3 ng Cignal TV.