WATCH: Hasht5 members comment on Marlou Arizala’s transformation to Xander Ford

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/04/2017 06:57 PM
WATCH: Hasht5 members comment on Marlou Arizala’s transformation to Xander Ford

 

Matapos ang trending transformation ni Marlou Arizala na mas kilala na ngayon bilang si Xander Ford, nag-react ang mga dati niyang ka-miyembro sa Hasht5 na sina Eric, Jhimwell at CJ tungkol dito.

Sa panayam ni Lloyd Cadena na isa ring internet sensation sa kanyang vlog, inilabas nila ang kanilang sama ng loob sa biglaang pag-iwan ni Xander sa grupo.


Kwento ni CJ, “Kusa pong umalis si Marlou, iniwan kami sa ere ng wala pong paalam at sumali siya sa ibang grupo.”

Matapos ikuwento kung bakit “Hasht3” na lamang sila ngayon, sinabi naman nilang masaya sila sa pagbabago ni Marlou kahit na hindi na sila magkaibigan.
"Support na lang kami sa kung anong gusto niya. At least natupad niya iyong pangarap niya,” ani CJ.

Dagdag niya na sinang-ayunan naman ng mga kasama, "Natupad mo iyong kaisa-isa mong pangarap. Congrats sa iyo at good luck sa mga opportunity na dadating sa iyo."