• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagreact na ang aktres sa dating nakatrabaho sa Home Sweetie Home na si Marlou Arizala aka Xander Ford.

Miles Ocampo anong masasabi sa new look ni Xander Ford?

Nagreact na ang aktres sa dating nakatrabaho sa Home Sweetie Home na si Marlou Arizala aka Xander Ford.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/04/2017 06:47 PM
Miles Ocampo anong masasabi sa new look ni Xander Ford?

 

Aware ang isa sa bida ng The Debutantes na si Miles Ocampo na may nagsi-circulate na balita sa Twitter na may gagawin silang project ni Marlou Arizala na kilala na rin ngayon bilang Xander Ford pagkatapos niyang magparetoke.

“Oo nga po, eh. Wala po kasi akong Twitter, eh, kaya hindi ko po alam,” simulang pahayag ni Miles sa PUSH. 


Patuloy niya,  “Pero kagabi po habang gumagawa ako ng assignments ko, ang daming nag-text sa akin talaga. Hindi ko po kasi napanood, so hindi ko po alam.

“Pero sinabi po nila sa akin kung ano po yung sinabi ni Marlou… ni Xander Ford pala, na kung pipili siya ng magiging leading lady ako daw po yung gusto niya.”  Nagkatrabaho na raw sila ni Xander noon sa Home Sweetie Home pero hindi naman sila nagkausap.

“Sa tuwing eksena lang po kami nagkakaharap kaya wala po kaming chance talaga na magkapagkuwentuhan po, ganun.”

Eh, ano ang reaksyon niya kapag sini-single out siya ni Xander sa mga babaing artista na gusto niyang makapareha?

“Siguro dahil ako po yung nakatrabaho niya. Siguro po ganun. Salamat po kung ganun,” kaswal niyang pahayag.

Ano naman ang masasabi niya sa pagbabago ng itsura ni Marlou at pagpapalit na rin ng kanyang pangalan?

“I guess, ano na lang po… kasi yung ganung isyu naman po very open na yan sa industriya natin and kung ano man po yung nagpapasaya sa kanya, kung do’n po lumabas yung confidence niya sa sarili niya, eh, di go lang po,” pahayag niya.

What if ligawan siya ni Xander, bibigyan ba niya ito ng pagkakataon?

“Hindi po natin alam. Di ko po talaga alam,” natatawa niyang sagot.

“Hindi pa po kasi kami nagkikita ni Marlou after po nung ano, nung naging Xander Ford na siya. Baka po magkrus ang landas namin one of these days,” sabi pa ni Miles.

Samantala, kasama ni Miles na dumalo sa red carpet premiere ng The Debutantes ang ibang bida ng pelikula na sina Jane de Leon, Michelle Vito, Chanel Morales at Sue Ramirez. Nanood din ng pelikula sina McCoy de Leon at Elisse Joson at iba pang Star Magic artists.