James Reid, nagbigay ng update sa upcoming projects

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/31/2017 2:57 PM
James Reid, nagbigay ng update sa upcoming projects


 

Puspusan na ngayon ang training ng aktor na si James Reid para kanyang upcoming movie project na remake ng sikat na comic book na Pedro Penduko.

Read: James Reid starts training for Pedro Penduko

Sa panayam na ito ng Push kay James sa katatapos lang na Binibining Cebu 2017, nagbigay ng update ang aktor sa kanyang paghahanda para sa kanyang bagong role.

"Yes, it's so fun. I'm running a lot everyday and I feel like a kid playing with weapons but my legs, it's killing me. It's really hard," kuwento nito.  

Kinumpirma rin ni James na makakasama ang kanyang girlfriend at ka-love team na si Nadine Lustre sa proyektong ito.

"Yes, she will have a role in Pedro definitely," aniya.

Bukod dito, aktibo din ang aktor ngayon sa pagpopromote ng kanyang album na Palm Dreams.

"Just want to focus on my album first. I have more singles coming out," aniya at sinabing pati si Nadine ay may single na irerelease.

Aktibo man daw ngayon si James at Nadine sa kanilang musika, hindi pa rin daw naisip ni James na talikuran ang pag-arte.

"I don't wanna give up acting but I wanted something more and something different," pahayag niya

Samanatala, thankful din si James para sa nakuhang nomination bilang Best Southeast Asia Act sa 2017 MTV Europe Music Awards. Pinasalamatan din ng singer-actor ang kanyang mga fans na labis ang suporta para sa kanya.

"I just want to say thank you for MTV EMA's for everyone who voted. I see all your posts, nonstop posting."

Kasalukuyan nasa Japan si James at Nadine para magbakasyon.