• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez at Shy Carlos ibinahagi ang kanilang ‘di malilimutang Halloween experience

Empoy Marquez at Shy Carlos ibinahagi ang kanilang ‘di malilimutang Halloween experience

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/31/2017 12:03 PM
Empoy Marquez at Shy Carlos ibinahagi ang kanilang ‘di malilimutang Halloween experience


 

Ngayong Halloween season, nagbahagi ng kani-kanilang true-to-life horror stories ang ilan sa ating mga paboritong showbiz personalities.

Ang comedian na si Empoy Marquez na bida sa pelikulang The Barker ibinahagi na may third eye siya noon at nakakakita ng mga kaluluwa at elemento sa dati niyang trabaho bago maging isang artista.

"White lady, ganun sa bahay ng tinirhan namin dati. Tapos sa convenience store na pinagtrabahuan ko dati nakita ko mismo siya. Isang dating crew pala siya na namatay doon kasi binangungot sa office. ‘Di sa akin sinabi ng mga boss ko."

Inilarawan pa ni Empoy ang itsura ng kaluluwang nagpaparamdam sa kanya.

"Nagsasalansan ako ng mga beer dahil back lot ako dati, graveyard. Pagsalansan ko ng pang-apat nakita ko siya. Yung mukha niya parang usok ng sigarilyo. ‘Di mo maaninag talaga."

Gaya ni Empoy, hindi malilimutang bangungot naman ang naranasan ni Shy Carlos kung saan kasama ang kanyang kapatid na hanggang ngayon ay hindi niya maipaliwanag.

"Parang nagra-ride kami sa boat tapos sobrang maalon, sobrang scary. Tapos pagtingin ko sa likod yung sister ko nasa likod na ng mataas na building humihingi siya ng saklolo."

Ayon kay Empoy at Shy, taimtim na panalangin ang kanilang alay tuwing nakakaramdam sila ng kakaibang elemento at nakakaranas ng masamang pangitain.