Did Coco Martin go over budget for ‘Ang Panday’?

First time director Coco Martin admits there have been accidents on the set of the iconic Pinoy film.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/31/2017 11:26 AM
Did Coco Martin go over budget for ‘Ang Panday’?


 

After announcing that he had finally wrapped up filming his Metro Manila Film Festival entry Ang Panday, director and actor Coco Martin said he was happy to also finally launch the mobile game version of the movie. “Gusto ko makilala ng mga bata si Panday. Kasi yung mga bata ngayon hindi nila kilala si Panday. Sa generation ngayon iba na yung mga kilala nila ngayon eh, mga Star Wars mga ganun. Meron din tayong mga superhero na mapagmamalaki, sila Captain Barbell, sila Darna, ang dami niyan. And then sabi ko why not simulan natin dito. At sa paanong paraan yun? Simulan natin sa games. Kaya yun yung ginagawa kong daan,” he shared during the Ang Panday mobile game launch held last October 27 in Pasay city.

Coco admitted he is both happy and relieved to finish the movie which included a lot of complicated sequences. “Siguro lahat ng aking pangarap sinagad ko na. Hanggang sa last day namin pawis at dugo binigay namin kasi yung location talaga namin sobrang hirap. Talagang sabi ko hindi pala biro na ikaw ang director. And then at the same time nag-co-producer ka napakahirap ng pagdadaanan mo. Kaso ako apat, ako ang director, producer, artista, at sa creative. Pero sabi ko nga ang sarap ng pakiramdam na after nun na sasabihin ko, ‘It’s a wrap. Pack up!’ kasi ang hirap dahil sinasabay ko siya sa Ang Probinsyano eh,” he explained.

Coco said the fulfillment of completing his first movie project was worth all the fatigue. “Sabi ko nga, kapag gusto mo yung ginagawa mo, kahit na halos hindi mo na kaya bumangon dahil sa sobrang pagod mo, in the end yung determination na alam mo na kailangan mo tumayo kasi gusto mo yung ginagawa mo. And then ang sarap ng pakiramdam lalong lalo na kapag nakikita mo resulta ng mga ginagawa mo,” he added,

One of the most challenging things about the movie for Coco was their hard-to-find locations. “Meron kaming location na binaba namin yung pinaka-core nung bulkan. Dun talaga kami nag-shoot and then at the same time gusto ko mapakita yung pinakataas kaya inakyat ulit namin yun. Kaya yun pa yung last day namin. Pero siguro dahil yung mga katrabaho ko lahat ng malalapit sa akin at talagang nagtitiwala at sumusuporta kaya wala ni isa ang nagreklamo or umangal sa ginagawa nila. Meron pa kaming trinavel na bundok sa Biak-na-Bato na sabi nila first time daw na may nag-shooting dun kasi napakahirap puntahan. Dahil first time ko ito (mag-direct) gusto ko talaga masunod yung nasa isip ko para after that, kung ano man kinalabasan ng pelikula, walang sisihan na sayang dahil binigay ko yung pinaka-the best ko,” he shared.

Just like any normal action movie, Coco admitted it was unavoidable to experience accidents on the set. “Madami first day pa lang (laughs). Pero it’s a part of it, lalong lalo na pag action. Kahit sa Probinsyano hindi mo maiiwasan na may maaksidente pero sabi ko nga part na yun,” he said.

As one of the biggest entries in this year’s MMFF, the Ang Panday cast is also the biggest with more than 80 actors in the film. Coco admitted he is not aware if they have already gone over the estimated budget for the film. “Hindi ako nag-over budget dahil hindi ko alam kung magkano yung budget eh (laughs). Basta hindi na ako nag-set ng limit eh na kumbaga hanggang dito lang tayo. Basta sa akin eh basta matapos yung pelikula at pag nakita ko proud ako. Kasi ayokong titipirin ko ito tapos pag nakita mukhang minadali, ayoko ng ganun. Kasi sabi ko nga pinaghandaan ko talaga ito dahil ang pangako talaga, kapag gumawa ako ng pelikula para sa Metro Manila Filmfest, ibubuhos ko lahat. Kasi para masulit yung ibabayad ng mga tao. Sisiguraduhin ko na mag-e-enjoy sila sa movie,” he said.