Kilalanin ang first Binibining Cebu winner

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/30/2017 2:05 PM
Kilalanin ang first Binibining Cebu winner


 

Mula sa iba't ibang bahagi ng Cebu, nagpatalbugan ang limampu't apat na kandidata para sa kauna-unahang Binibining Cebu pageant na naganap nitong weekend.

Wagi ang 21-year-old tourism management student mula sa municipality ng Badian na si Apriel Smith bilang kauna-unahang Binibining Cebu.

Espesyal ang araw ng coronation night dahil kaarawan niya ng manalo siya sa kompetisyon.

"This is the best birthday gift ever!" sabi ni Apriel.

Aniya, hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa pagsali sa national beauty pageant.

"Maybe when I get a chance, I would join again in Binibining Pilipinas. I don't know when but soon," pahayag niya.

Ayon sa bumuo ng Binibining Cebu na si Cary Santiago na isang world class fashion designer  layunin nila na makahanap ng ambassadress ng Queen City of the South.

"The face of Cebu and Binibining Cebu is... She just have to be really beautiful, that's my idea of someone who can represent Cebu... Someone who can turn heads, 'yung 'pag nakita mo siya, tatanungin mo sino siya? Gusto ko magpapicture sa kanya," pahayag ni Cary sa Push.

Katuwang ni Cary sa paghahanap ng unang Binibining Cebu ang award-winning actress at ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos - Concio bilang Chairman of the Board of Judges, Miss Earth 2016 Katherine Espin at iba pang naglalakihan pangalan na dumayo pa sa siyudad para sumaludo sa ganda ng mga Cebuana.

Present din ng gabing iyon para maging host ang I Can See Your Voice host na si Luis Manzano na aminadong napahanga sa Cebuana beauty.

"No one can doubt the beauty of a Cebuana. Pwedeng pwede ipagmalaki sa buong mundo ang ganda ng mga Cebuana," sabi niya.

P500,000 cash at iba pang prize package ang napanalunan ni Apriel na ayon sa kanya ay gagamitin niya sa kanyang pag-aaral at sa kinabukasan ng kanyang pamilya.