Kakai Bautista admits to falling in love with Ahron Villena

‘Baka sabihin nanaman niya there was never an us.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/30/2017 9:13 AM
Kakai Bautista admits to falling in love with Ahron Villena


Photo credit: @ahronvillena IG (R)

 

Sa Gandang Gabi Vice, walang takot na inamin ni Kakai Bautista ang naramdaman niya para sa aktor na si Ahron Villena. Nang tanungin kung na-in love si Kakai sa aktor pinagsigawan ni Kakai na, “Oo naman!” 

Inamin din ni Kakai na nasaktan siya at umasa. Sa tanong na kung may nangyari ba sa kanila ni Ahron, ang nakakatawang sagot ng komedyante ay, “Wala nga e! Yun nga ang pinakanakakainis, walang nangyari!” 

Pero ni-reveal din ni Kakai na nag-kiss sila ng aktor. 

Sinabi naman ng kaibigan ni Kakai at bida ng “The Ghost Bride” na si Kim Chiu, dati daw ay kapagtatanungin niya ang komedyante tungkol kay Ahron ay hindi ito makasagot ng diretso. “Ayaw niyang sagutin pero travel sila, road trip sila, Hongkong, Singapore.” 

Sinabi naman ni Kakai na hindi niya ginastusan si Ahron noon. “Mga lakad namin, hati yun kahit tanungin niyo pa siya.  Kahit pag lalabas kami, o ako sa sine, ikaw sa pagkain…”

Sinabi rin ni Kakai na, “Baka sabihin nanaman niya there was never an us. Wala namang problema sa akin, kung wala, e di wala!” 

Paliwanag ni Kakai sa kanyang mga natutunan noon, “Na-realize ko na stop na (kasi) hindi na healthy e.” 

Dagdag rin ni Kim tungkol kay Kakai at Ahron, “yung sobra siya umasa pero di naman maiiwasan yun e. Dapat din talaga magising ang isang tao.” 

Tinanong din si Kakai kung naging sila ni Mario Maurer at itinanggi niya na nagkaroon siya ng romantic feelings sa Thai actor and vice versa.