Xander Ford sa mga gusto makipagdate sa kanya: 'Pass muna!'

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/03/2017 09:40 PM
Xander Ford sa mga gusto makipagdate sa kanya: 'Pass muna!'

 

Trending sa social media nitong weekend ang naging grand revelation ni Xander Ford o mas nakilala bilang si Marlou Arizala sa kanyang mga taga-hangga sa social media.

Itinampok sa programang Rated K ni Korona Sanchez ang series ng mga pagbabago na ginawa kay Marlou para sa kanyang pangarap na transformation bilang si Xander Ford.


Sa naging kuwentuhan na ito ng entertainment press kay Xander ibinahagi niya ang ilan sa mga rason kung bakit siya nag desisyon na magpa retoke.

 

 

Hello Xander Ford @iamxanderford #xanderford

A post shared by Push (@pushalerts) on

"Sabi ko po sa sarili ko dati na gusto ko lang na sana may mabago sa akin, kasi po dati po na ba-bash ako dahil sa itsura ko dati," sabi ni Xander.

Dito ikinuwento din ng binata ang maituturing niya na pinakamasakit na bahagi ng kanyang naging operasyon.

"Yung dito po [tinuro ang jaw line], kasi takot po ako talaga sa needle pero po dito parang nilagyan po ng isang karayom na mahaba and kahit may anesthesia nararamdaman pa din po," kwento pa ng binata.

Bukod kay Xander, masayang masaya ang cosmetic surgeon na si Doctor Eric Yapjuanco na nasa likod ng magandang transformation. Aniya, hindi niya inasahan ang magagandang feedback na kanyang natatanggap dahil sa transformation ni Xander Ford.

"Ako kasi I was doing my job, I was really surprised, hindi ko naman nababasa na may nag-request pala sa kanya na magpaayos ng ilong o mga ganyang mga bagay. I was really surprised," sabi pa nito.

Ipinaliwanag din ng cosmetic surgeon ang naging procedure na kanilang ginawa para kay Xander para sa naging mega transformation nito.

 

"Yung ginawa natin is Rhinoplasty or commonly known as a noselift, and we also did a chin augmentation. We also did the skin care kasi siyempre medyo magaspang nga talaga yung mukha niya and at the same time pinapaputi natin siya ng kaunti," paliwanag nito.

Nilinaw din ni Doc Eric na hindi umabot ng mahigit kumulang kalahating milyon ang kanilang nagastos para sa ginawang transformation ni Xander.

"Sa amin hindi naman umabot ng half a million, roughly for the nose mga 100 thousand pesos, for the chin mga 70 thousand pesos and yung sa skin care naman it depends on the job na gagawin natin sa kanya so hindi umabot ng half a million pesos," dagdag na explanation ni Doc Eric.

Dahil isa nang sikat na personality, looking forward din daw ngayon si Xander na makasama sa isang project ang kanyang idol na si Daniel Padilla.

"Pangarap ko po sila makatarabaho lalo na po si Kuya Daniel Padilla, kasi idol ko po siya dati pa eh. At gusto ko po gayahin yung kahit na sobrang gwapo po niya at maraming nambabash sa kanya pinapakita pa din po niya yung tapang niya sa mga basher niya at kahit may mga lumalait sa kanya andyan pa din siya nakatayo at ngumingiti pa din sa mga tao."

Bukod kay Daniel Padilla gusto din daw makipag bonding muli ni Xander kay Miles Ocampo na minsan niyang naka trabaho sa Home Sweetie Home. "Si Miles Ocampo, gusto ko po kasi hindi po naging maayos ang work naming noon, kumbaga hindi kami naging super close pero sana ngayon po maging close na po kami," ani pa ni Xander.

Pagbibiro naman na kwento ni Xander, dahil sa kanyang naging transformation nagbalik din daw ang mga girls na nambasted sa kanya dati.

"Madami po yung mga dati pong mga naging ex-girlfriend ko, nag-chat sila ngayon. Parang kain daw kami sa labas, meet up daw, mga ganun po. Pero sinasabi ko po sa susunod na lang pass muna," natatawang pahayag ni Xander.

Sa ngayon naka linya na ang mga endorsement na gagawin ni Xander pati na rin ang isang planong pelikula.