Jao Mapa has no regrets about leaving showbiz for school

Jao Mapa admits leaving showbiz years ago was one of the lowest points in his life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/3/2017 9:41 AM
Jao Mapa has no regrets about leaving showbiz for school


 

Madalang nang gumawa ng pelikula si Jao Mapa. Ang New Generation Heroes na showing simula October 4 ang kanyang huling pelikula. Bihira na rin siyang mag-guest sa mga programa ng ABS-CBN.

Sa celebrity premiere ng advocacy film na New Generation Heroes na pinagbibidahan din nina Aiko Melendez, Anita Linda at Joyce Penas ay kasama ni Jao na nanood ang tatlong anak at ang kanyang wife na ipinakilala pa niya sa amin.

Hindi ba niya nami-miss ang panahong ng kanyang kasikatan sa Palibhasa Lalake kasama ang grupo ng Guwapings?

“Hindi na, eh,” kaswal niyang pahayag. “Pero ’pag may oportunidad, nandiyan pa rin, so how can I miss it?” dagdag niya.

“Hindi ko naman hinahanap ’yung ganu’n (sikat). I’ve been there, done that. I mean, what’s there to look for? I already had my time,” sey ulit ni Jao.

Ano ba ang maituturing niyang lowest point ng kanyang career noon? ’Yon ba ’yung time na nagkaroon siya ng relasyon kay Rosanna Roces?

“Hindi, ah. Naku hindi, ah. I think, ’yon nga ang peak point, eh,” natatawa niyang pagba-balik-tanaw.

“My lowest point, I guess, would be, when I had to make a decision leaving showbiz for school... ’yon. Kasi biglang ano, eh, trabaho ka nang trabaho tapos bigla kang nagdesisyon na mag-school ka na lang para matapos na ang kolehiyo at grumadweyt ako.

“Ito naman ang kapalit no’n. That was my lowest for showbiz pero I think, hinanap ko rin ang sarili ko para magkaroon ng edukasyon, diploma, so heto, sa awa ng Diyos, nakuha ko na.”

Graduate ng Fine Arts sa UST si Jao at isa sa pinagkakaabalahan niya ay ang pagpi-paint.

“I just joined the group exhibit–Angono Group Artist. Recently, we had an exhibit and my first exhibit with them was in Fishermall. And now meron sa DOJ, katatapos lang. Tapos meron pa akong exhibit sa ibang lugar. I also do events and then marketing para sa schools,” kuwento pa niya sa amin.

May kontak pa ba siya with the Guwapings?

“Meron, meron naman. Si Eric (Fructuoso) nakakasama ko siya sa events. Recently, magkasama kami sa Negros. Kinuha ko siya, tinawagan ko siya.

“Si Jomari (Yllana), I’ve been trying to get them, together, the whole Guwapings, even before may nangyari kay Mark (Anthony Fernandez). Gusto ko sana silang dalhin sa Cebu, pero hindi nag-follow-up ’yung producer, eh.

Speaking of Mark Anthony, ikinalungkot ni Jao na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaya ang aktor na kasamahan niya sa Palibhasa Lalake.

Aniya, “I feel sad for him. I mean, sayang. I feel sad for what happened to him. He was just there... wrong timing lang siguro talaga o mas mahigpit na ngayon sa administrasyon natin kaya nagkaganu’n. Pero ipinagdadasal ko naman siya na sana ay nasa mabuting kalagayan siya.

“I mean, hindi rin talaga biro ’yung pinagdadaanan ni Mark ngayon, so, from time to time, I ask friends kung anong balita sa kanya. Nakikibalita pa rin ako sa kanya,” pahayag pa ni Jao sa PUSH.