• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez nag-react sa mga batikos sa pagbabati nila ni Ara Mina.

Aiko Melendez sa pagbabati nila ni Ara Mina: ‘It was God’s perfect timing’

Aiko Melendez nag-react sa mga batikos sa pagbabati nila ni Ara Mina.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/03/2017 09:46 AM
Aiko Melendez sa pagbabati nila ni Ara Mina: ‘It was God’s perfect timing’

 

Humarap sa ilang entertainment press si Aiko Melendez para sa presscon ng kanyang pelikulang Balatkayo mula sa BG Productions at hindi maiwasang itanong ng PUSH kung ano ang reaksyon niya kapag sinasabi ng iba na “balatkayo” lang yung pagbabati nilang dalawa ni Ara Mina.

Paliwanag ni Aiko, “Kung balatkayo yung pagbabati namin (ni Ara), it should have happened even before pa, di ba? But it took as how many years, almost 16 years, di ba, so yon yung hindi pinilit ng mga taong nakapaligid sa amin.


“Kumbaga, it was God’s perfect timing which I also wanted and I prayed for. So, I’m very blessed because right now, there’s this a certain joy in my heart kasi okey na ang lahat.”

Idinagdag din ni Aiko na pagkatapos nilang magkita sa wake ng father ng isang entertainment reporter ay nagpakuha pa siya ng picture kasama ang cute na daughter ni Ara na si Mandy.

“Medyo awkward nga lang na parang don pa kami nagkita sa burol ng tatay ng kaibigan naming reporter, pero ang maganda naman, meron namang nabuhay ulit which is yung friendship namin na Ara.

“Hopefully, one of these days we get to talk long and have a chitchat with each other,” lahad pa niya.

Ngayong okay na sila ni Ara, handa ba siya sa posibilidad na makatrabaho ang aktres?

 “Kuya Leo, mas gugustuhin ko muna na… ayaw ko muna na pagpistahan kung ano yung meron kami ngayon. Gusto ko munang respetuhin namin, i-enjoy muna namin yung… kasi 16 years, eh, di ba?

“Kasi pag nag-movie kami agad, pagpipiyestahan agad yung nangyari. Eh, mag-i-start pa lang kami, eh. Mas gugustuhin ko na makita ng tao na, ‘Ah, okay, nagkaroon ng proseso, bago sila nagkapelikula,” paliwang ni Aiko.

Tinanong na rin namin kung ano ang reaksyon ni Jomari Yllana na isa sa naging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan noon ni Ara.

“Hindi kami nagkikita, eh. Hindi kami nakakapag-usap lately ni Jom. I’m sure, alam naman niya yon kasi nag-post naman si Ara sa Instagram and I think Jomari follows me on IG,” reaksyon niya.

Sa palagay ba niya matutuwa naman si Jomari sa reconciliation ng dalawang ex-girlfriends niya?

Sagot ni Ako, “Oo naman. Kasi, even before, sinasabi ko sa kanya na sana one day magkaayos na para tahimik na lahat. Kasi naniniwala ako Kuya Leo na kapag maayos ang kapaligiran mo, yung lahat wala kang sama ng loob it will also reflect sa aura mo and yung blessing talaga sunud-sunod lalo na kapag sa puso mo may pagpapatawad na nangyari.
 
“Iba yon, eh. Iba yung nagagawa non sa pagkatao ko ngayon kaya sobrang masaya ako.”

Samantala, karamihan sa eksena sa pelikulang Balatkayo na idinirek ni Buboy Tan at showing on October 18 ay sa Singapore pa kinunan. Ginagampanan ni Ako ang role ng isang nanay na OFW na may anak na nasangkot sa sex video.

Kasama ni Aiko sa pelikula sina Polo Ravales, Nathalie Hart, Rico Barrera, at introducing ang Cebuano actor na si James Robert.