• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla, Piolo Pascual at iba pang artista pangungunahan ang tribute at telethon para sa Marawi evacuees

Robin Padilla, Piolo Pascual at iba pang artista pangungunahan ang tribute at telethon para sa Marawi evacuees

Malaki ang pasasalamat ni Robin Padilla sa tulong na maihahatid sa mga naapektuhan ng gera sa Marawi.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2017 2:12 AM
Robin Padilla, Piolo Pascual at iba pang artista pangungunahan ang tribute at telethon para sa Marawi evacuees


 

Nagpasalamat ulit si Robin Padilla sa kanyang post sa Instagram account kahapon sa kindness na ipinakita nina Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual para sa bakwit (evacuees) ng Marawi.

Ibinalita din ng aktor na nakipag-meeting ulit siya kina Piolo kasama ang TV executives ng ABS-CBN at napagkasunduan nila na magsagawa ng isang nationwide telethon at tribute para sa Marawi evacuees.

“Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha… Ika-25 ng Oktubre 2017, dalawang araw pagkatapos magbigay ng kanilang donasyon. Ako ay nakatanggap ng tawag mula kay binibining Joyce Bernal 10:00 ng umaga at Ginoong Piolo Pascual 10:30 ng gabi...

“Ika-26 ng Oktubre 2017 6:30 ng gabi sa ABS-CBN naganap ang makasaysayang pagpupulong kasama kaming tatlo at ang mga namumuno sa iba’t ibang departamento ng television network.

“Napagkasunduan ng mga boss sa pamumuno ni ginoong piolo pascual na magsagawa ng isang malawalakang telethon para sa mga evacuues ng marawi. Gagawin daw ito sa programa ng ASAP at isasabay dito ang pagbibigay nila ng tribute sa mga Marawi evacuees. Isa itong pagpapalakas ng ispiritu ng mga bakwit. Napakahalaga na maramdaman nila ang init ng ating pakikiisa kahit na parang malayo sila sa atin.

“Tanggapin niyo muli kapanalig na truthful Joyce Bernal at kapanalig na action man Piolo Pascual, ang aming napakalalim na pasasalamat at pagpupugay. Napakabilis ng inyong aksyon na may kwenta hindi puro kwento. Tunay kayong mga Tagalog,” ang kabuuan ng post ni Robin.

Sa unang post noon ni Robin ay nagpasalamat siya kay Piolo na nag-donate ng P1M at P500K naman from Direk Joyce.

Makikita sa larawan ang tseke na inaabot ni Piolo kay Binoe kasama si Direk Joyce. Abot-abot ang papuri ni Binoe sa dalawa na ibinigay ang bahagi ng mga kinita nila bilang producers ng pelikulang Kita Kita na naging blockbuster sa takilya.

“Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..

“Pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nag-donate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa Marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascualat 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini.

“Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino… Mabuhay kayo aking mga kaibigan! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu!

“Dasal ko’y kumalat ang mga #spiritualactng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!

"Sa salitáng Tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, Bisaya man, Iloko man, Kapangpangan man, etc., ay Tagalog din,” post ulit ni Robin.

May kompletong detalye rin si Robin sa kanyang post kung saan napupunta ang mga donasyon.

“Walang bawas po sa inyong perang inilaan sapagkat ang inyong intensyon ay protektado ng aming intensyon,” part ng kanyang post.

 

 

Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha.. Ika 25 ng Oktubre 2017 dalawang araw pagkatapos magbigay ng kanilang donasyon. Ako ay nakatanggap ng tawag mula kay binibining Joyce Bernal 10:00 ng umaga at Ginoong piolo pascual 10:30 ng gabi.....ika 26 ng Oktubre 2017 6:30 ng gabi sa ABSCBN Naganap ang makasaysayang pagpupulong kasama kaming tatlo at ang mga namumuno sa ibat ibang departamento ng television network. Napagkasunduan ng mga boss sa pamumuno ni ginoong piolo pascual na magsagawa ng isang malawalakang telethon para sa mga evacuues ng marawi.Gagawin daw ito sa programa ng ASAP at isasabay dito ang pagbibigay nila ng tribute sa Mga marawi evacuees. Isa itong pagpapalakas ng ispiritu ng mga bakwit.Napakahalaga na maramdaman nila ang init ng ating pakikiisa kahit na parang malayo sila sa atin.Tanggapin niyo muli kapanalig na truthful Joyce bernal at kapanalig na action man piolo pascual, ang amimg napakalalim na pasasalamat at pagpupugay. Napakabilis ng inyong aksyon na may kwenta hindi puro kwento. Tunay kayong mga Tagalog 🇵🇭🇵🇭🇵🇭@marieltpadilla time @betchayvidanes budget @amormaclang tindigmarawi @nahdare ground @arabelleng information @sittidjalia network @elgab18 sponsor @officialnadiam happiness

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

 

 

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. "Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. (The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

 

WATCH: Kampanya para tumulong sa pagbangon ng Marawi, inilunsad