• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikko Natividad, sasabak na sa teleserye kasama si Arjo Atayde

Nikko Natividad, sasabak na sa teleserye kasama si Arjo Atayde

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2017 2:04 AM
Nikko Natividad, sasabak na sa teleserye kasama si Arjo Atayde


 

Mukhang dire-diretso na ang pagsabak sa acting ng Hashtags member na si Nikko Natividad na napapanood na rin tuwing umaga sa morning show na Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

After niyang gumanap bilang anak ni Ai-Ai delas Alas na isang ‘closet gay’ sa comedy film na Bes and the Beshies ay sasabak naman siya sa paggawa ng teleseryeng All That Matters kasama si Arjo Atayde at Sylvia Sanchez.

“Ang ganda rin po ng role ko do’n. Support ako ni Mr. Arjo Atayde na isang close friend niya dito, na parang bestfriend-bestfriend. At talagang may role din po.

“Hindi nga po ako makapaniwala kasi nga first time kong magteteleserye. Parang lutang pa yung pakiramdam ko lalo na nung nagkaroon kami ng parang team building.

“Oo, lahat sila kilala ko sa name, sina Ms. Sylvia Sanchez at siyempre si Arjo na sobrang galing umarte, per yung makasama ko sila sa teleserye parang hindi talaga ako makapaniwala,” masayang balita niya sa PUSH.

Hindi rin maipaliwanag ni Nikko ang experience niya sa first taping day nila ni Arjo Atayde.

“Unang (taping) day ko, hindi ako makatingin as mata ni Arjo. Nahihiya ako sa kanya… ganun siguro talaga pag aktor, kapag nagsasalita parang mata sa mata lang.

“Pero pag may mga eksena kami, parang nahihiya ako sa kanya. Nahihiaya akong tumitig sa mata niya. Parang nai-intimidate ako. Pero ang bait-bait niya. Lagi lang niyang sinasabi sa akin na, ‘Bro, sa ating magkakaibigan ikaw yung maharot, maingay. Basta gawin mo lang yon, magpatawa,” kuwento pa ni Nikko.

Sa sobrang busy ni Nikko – Umagang Kay Ganda and It’s Showtime plus the new teleserye, meron pa ba siyang panahon sa sarili niya?

Aniya, “Sa anak ko hindi po ako nawawalan ng time. Hindi maiwasan na minsan, nakakaramdam din talaga ng pagod dahil kulang sa tulog.

“Pero ito naman po yung pinag-pray ko before, na dumating yung time na ganito, maging busy ako. Mas masarap po yung maging busy kesa walang ginagawa,” katwiran ni Nikko sa PUSH.