• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre thankful to James Reid for holding her up through tough times

Nadine Lustre thankful to James Reid for holding her up through tough times

How is Nadine doing after the sudden passing of her brother Isaiah?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/30/2017 2:19 AM
Nadine Lustre thankful to James Reid for holding her up through tough times


 

Magkasama nitong weekend sa Cebu City ang celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Guest performer si James para sa first ever Binibining Cebu.

Sa naging panayam na ito ng ABS-CBN News at PUSH sa backstage ng Binibining Cebu 2017, inamin ni Nadine na perfect timing din ito upang makapagpahinga kahit sandali matapos ang nangyari sa kanyang pamilya.

"So far enjoy naman po, chill lang and nag-relax lang with our friends and perfect time na din po, in time for my birthday," saad ni Nadine, na magse-celebrate ng kanyang 24th birthday sa October 31.

Matatandaan na naging laman ng mga balita kamakailan si Nadine matapos ang napabalitang suicide ng kanyang kapatid dahil umano sa depresyon.

READ: Nadine Lustre writes emotional message for her brother Isaiah

Dumadaan man sa pagsubok, nanatitiling positibo si Nadine dahil sa naging suporta ng kanyang mga kaibigan at ng kanyang boyfriend na si James.

 

I like me better when Im with you.

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

 

"Super happy and thankful (kay James) kasi nung bago pa lang ang hirap eh, kahit yung emotions ko, hindi ko ma-control and siyempre yung pag-iisip ko, hindi ko ma-control and stress na din. Happy ako na andyan siya at hindi siya napapagod na magsuporta sa akin," positibong pahayag ng dalaga.

Ayon pa kay Nadine, hindi biro ang pagkawala ng kanyang mahal na kapatid na si Isaiah kung kaya mahirap man, unti unting tinatanggap ng kanyang mga mahal sa buhay ang nangyari sa kanilang pamilya.

"Nasa moving on and healing stage pa. Siyempre po hindi naman po ganung kadali mag-move on," sabi pa ni Nadine.

Kuwento pa ng dalaga, naging mas close sila ngayon ng kanyang mga kaanak lalo na sa mga espesyal na pagdiriwang sa kanilang pamilya.

"Mas nagkikita-kita kami ngayon. Bonding, celebrate ng mga birthday and kasama din po namin sila ni James sa Japan.” kwento ni Nadine.

Dahil sa biglaang pangyayari aminado si Nadine na nag-iwan ito ng aral sa kanya.

"I guess mas magbigay ng importance (sa pamilya), kasi feeling ko medyo may na take for granted ako, so parang ngayon lahat ng bagay na dumarating sa akin binibigyan ko ng importansya and effort like 110 percent effort po talaga," sabi ni Nadine.

Samantala, hindi din nakalimot si Nadine na pasalamatan ang kanyang mga taga suporta, na walang sawa ang pagmamahal sa kanya at sa tambalan nila ni James.

"Salamat po sa lahat ng suporta niyo and sa pakikiramay ninyo sa akin kasi madami din nag-message sa ‘kin and sana maging happy pill pa din nila kami kahit na hindi nila kami ganun ka dalas na nakikita," pahayag ni Nadz.

Sa ngayon time out muna din daw si Nadine sa It's Showtime upang magpahinga at i-celebrate ang kanyang birthday sa Japan.