• Home
  • Fresh Scoops
  • Juan Sarte calls out netizen who complained about Angelica Panganiban

Juan Sarte calls out netizen who complained about Angelica Panganiban

The makeup artist explained that Angelica Panganiban didn’t cut the line.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/29/2017 4:45 PM
Juan Sarte calls out netizen who complained about Angelica Panganiban


Photo credits to iamangelicap IG

 

Naging trending topic ang Facebook post ng netizen na si JC Valenzuela kung saan sumingit di umano sa pila sa immigration ang aktres na si Angelica Panganiban. Mariin naman itong pinabulaanan ng makeup artist na si Juan Sarte na kasama ng aktres bumyahe.

Read: Netizen calls out Angelica Panganiban and group for cutting the line at the airport 

Sa isang comment section kung saan nakunan ng Fashionpulis, ipinaliwanag nito na magkakaiba sila nina Angelica ng lane na pinilahan at nang mabagal ang pag-usad ng pila sa lane ni Angelica, pinalipat niya ito sa kanyang pwesto kung saan siya na dapat ang susunod na magpi-presenta sa immigration officer.

“As a courtesy to Angelica who is female, a friend and a colleague, I offered to let them go ahead of me. I thought this is normal for people traveling together because I see it often,” katwiran nito.

Dagdag pa niya, “We even asked permission from the Bahrain-bound OFW’s behind me. They said “Ok” and were delighted to see Angelica in front of them.”

Itinanggi rin niyang late silang nag check-in.

Nag-reply naman ang netizen at sinabing akuin sana nila ang kanilang ginawa imbes na gumawa ng rason.

“Owning your actions would’ve been the best action sana. And an apology,” he said.