• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Heaven Peralejo, nag-react sa pagkaroon ng ka-love team partner na si Markus Paterson

EXCLUSIVE: Heaven Peralejo, nag-react sa pagkaroon ng ka-love team partner na si Markus Paterson

Heaven Peralejo, kuntento sa takbo ng kanyang showbiz career sa ngayon

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2017 9:40 AM
EXCLUSIVE: Heaven Peralejo, nag-react sa pagkaroon ng ka-love team partner na si Markus Paterson


Photo credit to heavenperalejo IG

 

Bininyagan na rin sa paggawa ng pelikula ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Heaven Peralejo. Kasama siya sa pelikulang Bes and the Beshies bilang daughter ni Zsa Zsa Padilla.

Hindi raw niya makakalimutan ang experience niya sa unang pelikula at ang pakikipagtrabaho kay Zsa Zsa.

“Sobrang bait po ni Ms. Zsa Zsa in person. Tinutulungan niya ako for the cameras, tapos pina-invite niya pa po ako sa bahay niya. Ang bait po talaga,” kuwento ng dalaga sa PUSH.

Dagdag niyang kuwento, “Si Ms. Zsa Zsa po is very motherly. As in, hindi niya ipaparamdam sa ‘yo na senior siya. Approachable po siya talaga.

“Tapos yon nga po, tinutulunga niya ako. ‘O, anak ito yung kamera mo. Si Heaven ba may kamera?’ Sobang na-appreciate ko po yung ganung mga bagay.”

Aminado rin si Heaven na talagang kinabahan siya sa unang movie project lalo pa nang malamang si Joel Lamangan ang director ng pelikula.

“Nakakakaba talaga kasi nung nalaman ko po na ako yung nakuha for the role talagang ni-research ko pa talaga si Direk Joel. Tapos tiningnan ko na ayaw niya ng late, so never talaga akong naging late. Lagi po akong two hours earlier sa set.”

Hindi rin daw siya natalakan sa set ng director tulad ng nangyari sa co-star niyang si Nikko Natividad.

“Hindi po. Yung kay Nikko po, witness po ako diyan,” natatawa niyang kuwento.

“May one time lang po siguro na sabi sa akin ni Direk ‘Anak, huwag ganyang umiyak.’ Kasi parang crying scene yon tapos sabi niya, ‘hindi ka maganda diyan.’ Sabi ko, ‘Ay ganun po ba Direk, sorry po, sige po.’

“Mga ganun lang naman po pero never niya po akong nasigawan,wala naman po,” sey pa ng magandang dalaga.

Si Heaven ay ipini-pair ngayon sa Fil-British na si Markus Paterson na isa rin sa finalists noon sa Pinoy Boyband Superstar. In fact, sabay pa ngang dumating ang dalawa sa katatapos lang na Star Magic Ball 2017.

“During PBB time wala naman pong inila-love team sa akin kaya okay lang po ako kay Markus. Magkasama na rin po kami ngayon sa ibang endorsements.”

Sa palagay ba niya makakatulong ang love team nila ni Markus para mas makilala sa showbiz?

“Ah… sabi nga po nila, kapag may ka-love team ka mas mabilis. Pero siguro naman po, oo. Depende rin kasi po kung yon na rin yung time ko. Kasi naniniwala rin po ako na everyone has a right timing, eh. So, kung right timing ko with Markus, then that’s good, that’s better kasi we’re friends talaga, we’ve been friends even before PBB pa,” katwiran ng dalaga.

Sa ngayon ay ini-enjoy muna ni Heaven kung anong meron siya kahit pa hindi ganun kabongga ang kanyang showbiz career.

“Alam n’yo sa akin, ano, slowly but surely, naniniwala po ako do’n. Mas gusto ko po na nadadaanan ko po lahat, lahat ng paghihirap, lahat ng simula kesa yung nando’n ka na agad tapos biglang babagsak or something.

“Mas okay na sa akin yung ganitong nangyayari, eh. I’m happy with it, Super contented,” masayang pagtatapos ni Heaven sa exclusive interview ng PUSH.