• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon at Erich Gonzales, magsasama muli sa isang proyekto

Ejay Falcon at Erich Gonzales, magsasama muli sa isang proyekto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/29/2017 9:36 AM
Ejay Falcon at Erich Gonzales, magsasama muli sa isang proyekto


 

Kasama si Ejay Falcon sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Gandarrappido The Revengers Squad na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach.

Sa naganap na pictorial ng pelikula, ibinahagi ni Ejay ang kanyang nararamdaman na nakasama sa nasabing pelikula.

"Sobrang excited kasi maraming bata ang manunuod, tapos yung experience na makakasakay ka sa float kasama yung ibang artista pa. So sobrang thankful and blessed ako na ma-experience ko ngayon ito, na sa darating na December mapapanuod ako ng mga bata," sabi ni Ejay.

Ayon kay Ejay, ang kanyang magiging role sa pelikula ang siyang magpapahirap sa mga bida nito.

"Ako yung mag papagulo sa The Revengers Squad kay Vice, Pia, and Daniel at sa mga kasamahan nila," ani ni Ejay.

Bukod sa pelikula, isa din sa pinagkaka-abalahan ni Ejay ngayon ang FPJ's Ang Probinsyano at ang isang proyekto kung saan makakasama naman niya muli si Erich Gonzales na huli niyang nakatrabaho noon sa Katorse.

 

📷 @dominicroque

A post shared by Falcon21🦅 (@ejaythefalcon) on

"Nasa Ang Probinsyano pa din ako and by first week ng November mag-start na ako ng taping para sa bagong show with Erich. And na-excite ako kasi parang reunion project ‘to kasi andon pa si Enchong (Dee). So sobrang na-excite ako kasi huling project na ginawa namin Katorse kakalabas ko palang ng PBB so ibang Ejay pa yung nakita nila doon. Andon yung nainis sila sa akin," kuwento pa ng aktor.

 

Excited for this☝🏼 Thank you @dreamscapeph 🙏🏻 #swipe➡️

A post shared by Falcon21🦅 (@ejaythefalcon) on

Pagbibiro pa ni Ejay ito ang panahon upang bumawi ngayon kay Erich at Enchong sa mga long shooting days nila noon kasama siya.

"Siguro madami pa akong kulang that time pero ito, siguro ito na yung masasabi ko na babawi ko sa kanilang dalawa," pagbibirong pahayag ng aktor.