• Home
  • Fresh Scoops
  • Precious Lara Quigaman at Kylie Verzosa positibo sa magiging performance ni Mariel De Leon sa Miss International

Precious Lara Quigaman at Kylie Verzosa positibo sa magiging performance ni Mariel De Leon sa Miss International

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/28/2017 9:06 AM
Precious Lara Quigaman at Kylie Verzosa positibo sa magiging performance ni Mariel De Leon sa Miss International


 

Kasalukuyang nasa Tokyo, Japan si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon para sa nalalapit na 2017 Miss International Coronation Night.

Bago pa man ang laban ni Mariel, sumabak muna sa matinding training ang kandidata sa pamumuno ng kilalang pageant expert na si Jonas Gaffud.

Kasabay ng training ang malakas na suporta na ibinigay nina Miss International 2005 Precious Lara Quigaman at reigning Miss International Kylie Verzosa.

Read: Pagkain ng tsokolate, sikreto ni Lara Quigaman sa Miss International pageant

Sa naging panayam na ito kay Lara sa red carpet premiere ng kanyang pinagbibidahan na advocacy film na Sagimsim, inalala  niya kung paano niya pinaghandaan ang isa sa mga importanteng bahagi ng pageant.

"Nung time ko, sinasabi na talaga sa amin na may speech na talaga and every year pare pareho naman siya 'What will you do if you win Miss International?' So yung sa akin bago pa ako umalis ng Philippines naka-ready na and meron na talaga akong speech. Pero few days before (ng coronation), parang hindi ko nararamdaman yung speech ko so binago ko and I think I talked about children ata," pahayag ka ni Lara.

Ang reigning Miss International naman na si Kylie Verzosa, tiwala na malaki ang laban ni Mariel bilang kinatawan ng Pilipinas upang muling masungkit ang korona.

"She's doing a really good job and I'm looking forward sa paglaban niya talaga. It has to come from the heart you know. As for everything practice, makes perfect," sabi ni Kylie.

Sa mga nagsasabi naman na imposible makuha ni Mariel ang back-to-back Miss International crown, may markadong pahayag si Kylie tungkol dito.

"Break natin yan! Break natin yan! Kaya yan! First back to back!" positibong pahayag ni Kylie.

Dahil sa mga positibong papuri ng mga former Miss International, aminado si Mariel na malaking bagay sa kanyang laban ang lakas ng loob at self-confidence.

Aniya, doble pressure ngayon para kay Mariel ang back-to-back crown na kanyang number one na misyon.

"It’s really nice to have her support throughout this whole thing and we both are representing the Philippines and hopefully God willing, I get back to back."

Magaganap sa November 14 ang grand coronation night ng 57th Miss International Pageant sa Tokyo Dome sa Japan.