Melason, hiwalay na ng TV network na pinagtatrabahuhan

Jason Francisco, lumipat ng manager.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/28/2017 8:57 AM
Melason, hiwalay na ng TV network na pinagtatrabahuhan


 

Dalawang Pinoy Big Brother (PBB) graduate na ang nasa pangangalaga ngayon ng PPL entertainment ni Perry Lansigan, ang nagpapatakbo ng career ni Dingdong Dantes na isa sa mga bida ng blockbuster film na Seven Sundays ng Star Cinema.

Unang taga-PBB na lumipat kanya ay si Ejay Falcon. Pero bagama’t nasa PPL na, napapanood pa rin ang binata sa mga programa ng ABS-CBN.

Ang pangalawang nangibang-bakod ay si Jason Franciso, asawa ni Melai Cantiveros na host ng Magandang Buhay. Ang dalawa ay nakilala as Melason during their stay sa Pinoy Big Brother kung saan big winner si Melai at third big placer naman si Jason.

Ayon kay Jason, si Jolina Magdangal na talent din ng PPL Entertainment ang nag-refer sa kanya kay Perry at madali naman daw silang nagkasundo.

Alam ni Jason na identified si Perry sa GMA-7 at open naman daw siya na lumipat. In fact, may sisimulan daw siyang bagong project sa Kapuso.

“Kasi, matagal na rin ako sa ABS-CBN, almost eight years, so eto, panibago naman, bagong surroundings, lahat. Bagong experience,” pahayag ni Jason nang umatend siya sa birthday ng bagong manager.

When asked kung may tampo ba siya sa ABS-CBN, mabilis niyang sagot ay wala naman daw.

“Thankful pa nga po ako sa kanila kasi do’n ako nagsimula. Hindi ko naman po mai-experience itong showbiz kung hindi ako sumali ng PBB. Wala po ito sa isip ko dati. Sila yung nag-open ng door sa akin,” sambit pa ng aktor.

Okay lang ba na magkakahiwalay sila ni Melai ng TV network na pinagtatrabahuhan?

Aniya, “Sa network lang naman kami hiwalay. Do’n lang po. Sa bahay naman, iisa ang inuuwian namin, so walang problema.”

Suportado rin daw siya ng kanyang misis sa desisyon niyang magtrabaho sa ibang network.

“Wala namang problema sa kanya, desisyon ko naman (ito). Saka siyempre, susuportahan niya lang ‘yun. Nagsusuportahan lang kami sa isa’t isa,” paliwanag pa ni Jason.