• Home
  • Fresh Scoops
  • Cogie Domingo: ‘Nagulat na lang po ako na nagkaroon po ng mga pulis dun at nagkaroon ng hulihan’

Cogie Domingo: ‘Nagulat na lang po ako na nagkaroon po ng mga pulis dun at nagkaroon ng hulihan’

Cogie Domingo denies involvement in any drug activity

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/28/2017 10:41 AM
Cogie Domingo: ‘Nagulat na lang po ako na nagkaroon po ng mga pulis dun at nagkaroon ng hulihan’


 

Sa ulat ng TV Patrol, itinanggi ni Cogie Domingo na bumibili siya ng drugs nang dakpin siya ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy bust operation madaling araw ng October 27. Ani Cogie, “Hindi ko po alam kung ano po yung ebidensiya laban sa akin and sa totoo po niyan e kumakain lang po kami ng dinner at nagulat na lang po ako na nagkaroon po ng mga pulis dun at nagkaroon ng hulihan.”

Handa din diumano sumailalim sa drug test si Cogie.

Ayon naman sa spokesperson ng PDEA na si Derrick Carreon, “Na-mention din si Mr. Cogie Domingo. Nang nalaman natin na magkakaron nga ng deal nagkasa ng buy bust operation ang tropa at dun nakita yung transaction between si Almira and si Mr. Domingo and nandun yung pusher-buyer natin.”

May nakuha rin diumanong isang kahon ng drug paraphernalia sa loob ng sasakyan ni Cogie. Ani Carrion, “Directly recovered sa loob ng sasakyan ni Mr. Domingo, signature paraphernalia to e, high end yung mga glassware.”

Naniniwala rin ang ama ni Cogie na si Atty. Rod Domingo na inosente ang kanyang anak. “Alam ko na hindi nagdo-droga, hindi nagbebenta, he’s not in any way related to drugs.”

Kasama sa mga nadakip sina Almira Bautista at Francis Lim na hinihinalang supplier ng drugs ng mga artista. Positive din sa drug test si Lim at Bautista.

Ayon pa sa ulat, matibay ang ebisdensiya laban sa mga nadakip, kasama ang text messages sa pagitan ng mga ito. Kakasuhan din sila Cogie ng paglabag sa RA 9165 o sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Watch on ABS-CBN.com: Dating aktor na si Cogie Domingo at dalawang iba pa, arestado sa buy-bust operation