• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga, excited makatrabaho ang new cast ng ‘Home Sweetie Home’

Toni Gonzaga, excited makatrabaho ang new cast ng ‘Home Sweetie Home’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/27/2017 3:35 PM
Toni Gonzaga, excited makatrabaho ang new cast ng ‘Home Sweetie Home’


 

Fresh mula sa kanyang European trip kasama ang kanyang buong pamilya, all smiles si Toni Gonzaga nang dumating ito sa launching ng OPPO F5 mobile phones kung saan isa sa mga brand ambassadors.

Kuwento ni Toni, sulit at naging masaya ang kanyang bakasyon kasama ang asawang si Paul Soriano at anak na si Baby Seve na nag enjoy din sa pamamasyal sa iba't ibang lugar sa Europe.

 

❤️

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

"Na enjoy niya yung sight seeing, visiting beautiful places sa Europe and exposing baby Seve with the beautiful culture and history na mayroon sila," ani Toni.

Mula bakasyon, dumiretso din daw agad ang Kapamilya star sa taping ng kanyang sitcom na Home Sweetie Home kung saan naghihintay ang mga bagong cast members.

 

Abangan ang mga LODI sa aming masayang Home Sweetie Home, Sabado,6:15pm! 😃 #HSHSinglePapa

A post shared by Home Sweetie Home Official (@hsh.abscbn) on

"Yes, actually pagbalik na pagbalik ko, may taping agad kami ng Home Sweetie Home and guest sa’min si Piolo. We're very thankful na he's available and he said yes na mag-guest sa Home Sweetie Home. Hindi pa yata pwedeng sabihin ang character (niya) basta it's a character that he played before ‘nung he guested sa show so parang bumalik lang," kwento pa nito. 

Bukod kay Piolo Pascual, isa rin sa aabangan ang bagong kapamilya na si Rufa Mae Quinto.

"Yes. With Rufa Mae, before I left nag-tape na rin siya with us. May mga bagong characters na kasama so abangan niyo," aniya.

Matatandaan na isa ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa mga original member ng programa, pero dahil sa naging desisyon nito na pansamantalang magbakasyon, aminado si Toni na namimiss na ni Julie ang kanyang Romeo na nakasama niya ng mahabang panahon.

 

 

Invited ang lahat sa 1st birthday ni Baby Summer sa Sabado, 6:30pm! Wag palalampasin! ☺️

A post shared by Home Sweetie Home Official (@hsh.abscbn) on

"Siyempre naman mag four years na ‘yung programa and hindi naman natin maiaalis na hahanapin mo yung mga original cast. Of course original member ‘yun and we’re just trying to stick together as a family and hoping that we will get through all of this,” pahayag ni Toni.