• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach, ibinahagi ang kakaibang experience sa ‘The Revengers’

Pia Wurtzbach, ibinahagi ang kakaibang experience sa ‘The Revengers’

Masaya si Pia Wurtzbach makatrabaho sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/27/2017 9:16 AM
Pia Wurtzbach, ibinahagi ang kakaibang experience sa ‘The Revengers’


 

Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga showbiz personalities na dumalo sa katatapos lang na PLDT and Smart event kung saan ipinakilala si Kris Aquino bilang bagong brand ambassador.

Dito nagbigay update na si Pia tungkol sa kanyang movie na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na Gandarrappido The Revengers kung saan makakasama niya sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

"Nako, sobrang saya na makatrabaho si Vice at si Daniel, sobrang good vibes na mga kasama. Ang saya-saya sa set at yung challenge na nag be-beauty pageant ako dati tapos ngayon may mga combat scenes and fight scenes na ako tapos may mga pa harness pa," sabi ni Pia.

Kamakailan naglabas ang Star Cinema ng teaser kung saan ipinakita ang mga aabangang costume nila Pia, Vice, at Daniel. Ayon kay Pia, kahit siya mismo ay nagulat dahil walang lumalabas na leakage na mga larawan na suot nila kanilang mga costume.

"Ang galing nga. Ang dami na naming locations na napuntahan, ang dami ng tao na nakakita ng costume namin pero wala talagang nag-leak. Ang galing. I think it works kasi it gets people excited about the movie," kuwento ni Pia.

Hands on din daw siya sa costume na ipinasuot sa kanya, lalo na sa fitting nito na ipapakita ang kanyang ka-seksihan.

"Little suggestions lang like kung pwede bawasan or dagdagan, para maka galaw ako ng maigi," pahayag ni Pia.

Mapapanuod ang Gandarrappido The Revengers ngayong December 25 sa direksyon ni Joyce Bernal.