Maxine Medina reveals her family’s horror experiences

Maxine Medina says she grew up experiencing supernatural phenomena.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/27/2017 9:19 AM
Maxine Medina reveals her family’s horror experiences


Photo credit: @maxine_medina IG

 

Ngayong Halloween season, iba’t-ibang kuwento ng kababalaghan ang ibinahagi ng ilan sa ating mga paboritong showbiz personality. Gaya na lang ni 2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina na nakaranas ng kakaibang pangyayari sa kinatatayuan ng kanilang 50-year-old ancestral house sa D. Tuazon sa Quezon City na isang dating sementeryo.

"Naka-upo yung mommy ko sa sofa, nakita niya yung Yaya niya paakyat. E ‘di ba usually pag paakyat ma-feel mo talaga na gumaganon? Tapos siya straight, direchong ganun tapos dahan-dahan daw tumungin siya sa mommy ko na ibang-iba ang face. Sa sobrang takot ng mommy ko, nagsumbong siya sa mommy niya," kuwento ni Maxine.

Ayon pa sa beauty queen, normal na sa kanilang pamilya ang horror stories dahil sa kababalaghan na mayroon sa kanilang tahanan. "Yung lola ko naman din kasi mahilig sa ganyan (horror stories) since ang birthday naman niya is November 1 kaya natutuwa siya kapag may mga ganun story which is hindi ko maintindihan. Ganun din ang kinalalakihan namin pero kapag natatakot na kami, nagiging bonding na din namin."

Nag-aalay na lang ng panalangin si Maxine tuwing na-eexperince niya ang mga ito.