Ipinakilala bilang isa sa mga bagong brand ambassador ng PLDT telecommunications ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Blooming at masayang Kris ang humarap sa entertainment press na isa-isang sinagot ang mga maiinit na katanungan sa kanya, kabilang na ang napabilatang depression na kanyang pinagdaanan.
"I think kasi… One, I'm a single mom in her mid-40s so of course ang hirap to reinvent and I had to reinvent myself now," pahayag ni Kris.
Aminado ang queen of all media na dumanas siya ng matinding kalungkutan nitong mga nagdaang buwan.
"Yes there was a time that I was really feeling down and kalbaryo ng pamilya namin ang August. Every August is... Health is not good and my mom died August 1, my dad died August 21 so hindi ko type ang August talaga. May ano siya 'tsuk!' gumaganon," paliwanag nito.
Ayon kay Kris, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang buong pamilya at sa kanyang dalawang anak na si Josh at Bimby na siyang pinaghugutan niya ng lakas ng loob sa pinagdaanang kalungkutan.
Bukod sa matibay na suporta ng kanyang pamilya, naging sandigan ni Kris ang matinding panalangin.
"What I really did is almost everyday, nagsimba ako yun. Ganun siya," sabi ni Kris.
Kuwento ni Kris, kasabay ng kanyang taimtim na ang dalangin ang pagbabalik ng tiwala sa kanyang sarili na labis na nakatulong umano sa kanya upang malagapasan ang pinagdaanang kalungkutan.
"Number one, never stop praying. Two, hold on to your family and closest friends because they will never leave you behind. And three, believe in yourself. Yun talaga. Because there will be setbacks," pahayag niya.
Kasabay ng pagbabalik tiwala sa kanyang sarili, idinaan na lang din niya sa dasal ang muling pagbuhos ng mga blessing sa kanya ngayon, kabilang na ang mga bagong endorsement na mayroon siya.
"I'm living proof. I admitted it, I acknowledged it that there were doors that closed but those doors open and new ones open," pahayag ni Kris.