• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Elmo Magalona, sinabing nagpaparamdam pa rin sa kanya hanggang ngayon ang yumaong ama na si Francis M.
EXCLUSIVE: Elmo Magalona, sinabing nagpaparamdam pa rin sa kanya hanggang ngayon ang yumaong ama na si Francis M.
Elmo Magalona, nagkwento kung paano nagpaparamdam ang kanyang yumaong ama na si ‘Master Rapper’ Francis Magalona
BY GARY ANN LASTRILLA

Twitter: @iamgaryann

10/27/2017 2:39 PM
EXCLUSIVE: Elmo Magalona, sinabing nagpaparamdam pa rin sa kanya hanggang ngayon ang yumaong ama na si Francis M.

 

Elmo Magalona, nagkwento kung paano nagpaparamdam ang kanyang yumaong ama na si ‘Master Rapper’ Francis Magalona. 

Pag-aamin ni Elmo, nagpaparamdam pa rin sa kanya ang ama hanggang ngayon, “He does, he does. Even up to now. And it’s so cool.” 

Nakapanayam ng Push si Elmo sa kanyang contract renewal sa opisina ng Universal Records. “Actually, first time kong magpunta dito sa office ng Universal. One of the lights, parang nagflicker siya. Eh minsan, ‘pag nagflicker ‘yung lights, kung nasaan ako or ‘yung mga kapatid ko, parang minsan ‘yun ‘yung way niya of making paramdam sa amin na nandoon siya.”

“Usually naman the reason why he makes paramdam is because he supports us sa ginagawa namin,” aniya. 

Taong 2009 nang namayap ang batikang rapper.