Daniel Matsunaga nagbigay detalye sa bago niyang love life

Mayroong long distance relationship si Daniel Matsunaga ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/26/2017 9:49 AM
Daniel Matsunaga nagbigay detalye sa bago niyang love life


Photo credit: @karolina_pisarek IG (R)

 

Present sa naganap na set visit ng isa sa mga pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na Meant To Beh ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Isa si Daniel sa mga mapapanuod sa upcoming family movie ng OctoArts Films, M-Zet Production, at Apt Productions ngayong kapaskuhan.

Dito, masayang ibinahagi ni Daniel ang estado ng kanyang buhay pag-ibig sa isang Polish model na si Karolina Pisarek.

READ: Who is Daniel Matsunaga's new Polish girlfriend?

"Yes, inspired ako. Maraming nangyari sa buhay ko na masaya and family, lahat sa work, and yes this girl she's very, very special," pag-amin ni Daniel.

Matipid man ang pagbibigay detalye ni Daniel tungkol sa kanyang bagong inspirasyon, bakas naman ang kilig sa mga mata nito.

"Secret (laughs). Actually I prefer to maintain it more private this time. Siyempre I don't want this time any problema sa future and siyempre pag-uusapan ng tao we can't avoid that pero for now I just want to maintain it secret between us," saad ni Daniel.

Maituturing din ni Daniel na almost perfect sila ngayon ng kanyang bagong inspirasyon kahit na long distance relationship pa sila nito.

"Malapit sa perfect, kasi we give enough time with each other. Siyempre we give time to each other, siyempre mahirap yung long distance relationship pero yun nga it’s working kung mahal mo ang isang tao, e ‘di ba?" ani pa Daniel.

Pag-amin pa ni Daniel, humahanap muna din daw siya ng timing para mai¬pakilala ang kanyang bagong inspirasyon sa kanyang pamilya.