• Home
  • Fresh Scoops
  • Aljur Abrenica to Robin Padilla: ‘Humihingi na po ako ng sorry ninyo’

Aljur Abrenica to Robin Padilla: ‘Humihingi na po ako ng sorry ninyo’

Aljur Abrenica apologizes to Robin Padilla.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/26/2017 9:54 AM
Aljur Abrenica to Robin Padilla: ‘Humihingi na po ako ng sorry ninyo’


Photo credit: @robinhoodpadilla IG (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Aljur Abrenica na “mas tumibay” ang pagsasamahan nila ni Kylie Padilla dahil sa anak nilang silang si Alas.

Nang tanungin naman tungkol sa issue ng pagpapakasal, sinabi ni Aljur na magkaiba ang opinyon nila ni Kylie tungkol dito pero “wala namang pag-aalinlangan” na magpakasal sila. Ani Aljur, “any time pwede yan mangyari. Kasi ako nag-propose na ako ng pagmamahal ko sa kanya noon pa, before we got back together.”

Dagdag pa niya, may balak naman silang magpakasal at “tuma-timing lang kami.” 

Kumusta naman kaya ang relasyon ni Aljur sa ama ni Kylie na si Robin Padilla. Aniya, “Hindi ko rin alam e. Hindi pa po kami nakakapag-usap.” 

Humingi rin ng paunmanhin si Aljur kay Robin. “Kung mapapanuod man niya ito. Kung may nagawa man po ako na sa tingin ninyo na hindi maganda o naging kasalanan ko, humihingi na po ako ng sorry ninyo. Dahil si Kylie po wala naman akong balak pabayaan yan mahal ko po yan.” 

Dagdag pa ni Aljur, “At may tatay po ako. Kasi nakikita ko yung saya ng tatay ko pag nakikita niya yung apo niya. At gusto ko rin makiita yun ni Kylie sa tatay niya.” 

Pagtatapos pa ni Aljur tungkol sa issue, “Okay naman kami through Kylie, nagkakaroon ng komunikasyon. Tito Robin, nandito lang po ako, sana po bukas yung pintuan niyo…”