• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Miss Earth Beauties, bumisita sa marine sanctuary ng Batangas

2017 Miss Earth Beauties, bumisita sa marine sanctuary ng Batangas

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/26/2017 9:45 AM
2017 Miss Earth Beauties, bumisita sa marine sanctuary ng Batangas


 

Puspusan na ngayon ang paghahanda ng mga kandidata ng 2017 Miss Earth beauty pageant na gaganapin dito sa bansa sa darating na November 4 sa Mall of Asia Arena.

Pero bago pa man ang coronation night, in-enjoy muna ng mga kandidata ang iba't-ibang activities, kabilang na ang clam feeding activity sa isang marine sanctuary sa San Pablo, Batangas.

 

 

#MissEarth2017 coral recovery and eco-tour at Dive and Trek in San Pablo, Batangas.

A post shared by Miss Earth (@missearth) on

Kasama ang mga scuba divers ng Dive and Trek marine sanctuary, na-experience ng Miss Earth beauties ang mag-alaga ng yamang dagat ng Pilipinas na pangunahing adbokasiya ng Miss Earth Organization.

 

"We need to protect the world and we need to respect the world. It's more important to us!" sabi ni Ainara De Santamaria Villamor ng Spain.

Bukod sa clam feeding activity, game na game din ang crowd favorite na si Miss Earth Colombia Juliana Franco Ramos sa pakikipag-bonding sa mga locals ng Batangas.

Aniya, hilig niya ang mag selfie kasama ang kanyang mga Pinoy fans dahil sa pagiging mabuti ng mga Pinoy sa Colombian kagaya niya.

"We have been meeting people and Filipinos are very, very warm and passionate love to us and I feel grateful with that," sabi pa nito.

Ang Miss Earth Canada naman na si Jaqueline Marsh na isang Fil-Canadian beauty ay aminado na advantage para sa kanya ang pagkakaroon ng dugong Pinoy para maiuwi niya ang Miss Earth Title.

"If there’s any advantage is that I’m very comfortable being here in the Philippines. I love the food and the culture and the hospitality," sabi pa ni Miss Canada.

Mapapanood ang 17th Grand Coronation night ng Miss Earth sa November 4 (Sunday) sa ABS-CBN.