Zsa Zsa Padilla aminadong may trauma na magpakasal

Mas gusto na ni Zsa Zsa Padilla ang simpleng kasalan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/25/2017 9:50 AM
Zsa Zsa Padilla aminadong may trauma na magpakasal


 

Aminado ang singer na si Zsa Zsa Padilla na hirap siya ngayon sa pagplano ng kasal nila ni business man-architect Conrad Onglao. Inamin niya na dahil na din daw ito sa heartache na kanyang pinagdaanan noon.

"I guess because several years ago nagkaroon ako ng trauma na naiplano ko ahead of time tapos hindi naman natuloy. So kahit papaano may fear ako na baka kapag plinano ko hindi na naman matuloy tulad ng dati," paliwanag ni Zsa Zsa.

Kuwento pa ng singer, kung sila ng kanyang fiancé ang masusunod, nais nila na mas simple na seremonyas lang ang kanilang gawin sa kanilang kasal.

"Siguro dahil sa rin sa edad ko na gusto ko simple na lang, tutal nagawa ko na yung church wedding. Mas simple na lang talaga ang nasa isip ko."

Dahil nasa edad na din ang bunso ni Zsa Zsa na si Zia Quizon na malapit ngayon kay Robin Nievera, ready na din daw si Zsa Zsa kung sakaling magpaalam na din ito sa kanya para mag-asawa.

 

Bonjour! Getting our 10-12k steps a day while on vacation. Resting a bit for now.

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

"Naku okay lang sa akin. Naghihintay na nga ako ng apo eh! Basta ready ang mga anak ko okay sa akin yan," pagtatapos na pahayag ni Zsa Zsa.

Napapanuod ngayon si Zsa Zsa sa top-rating late afternoon teleserye na Wildflower bilang si Red Dragon.