Ogie Alcasid is proud of son Nate’s musical talent

Ogie Alcasid says son Nate has been showing his musical talents since he was a baby.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/25/2017 9:45 AM
Ogie Alcasid is proud of son Nate’s musical talent


Photo credit: @ogiealcasid IG

 

Matapos ang successful 30th anniversary concert ng kanyang asawang si Regine Velasquez, isang major concert din ang pinaghahandaan ngayon ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na may pamagat na The Soundtrack of My Life.

Dito ibibida rin ni Ogie ang karamihan ng hit songs na isinulat niya. Pag-amin ni Ogie, labis din siyang natutuwa kapag kinakanta ng mga ibang performers ang kanyang komposisyon.

"Alam mo kapag nasa Tawag ng Tanghalan din ako kapag kinakanta yung mga kanta ko, hindi mo maiwasan na kiligin ka ng kahit kapiranggot ‘di ba? Nandun ang kilig, nandun ang pride," sabi ni Ogie.

Bilang tatay naman, proud din si Ogie para sa anak nila ni Regine Velasquez na si Nate Alcasid sa naging performance nito sa katatapos lang na two-night, sold-out concert ni Regine na R30.

"Ang laking blessing nun para sa aming pamilya. I guess for him yung tumayo ka lang doon, tinanong ko nga siya kinabahan ka ba? ‘Not really dad! (Laughs)’" masayang kuwento ni Ogie.

Ayon pa kay Ogie, unti-unti na din daw dumarami ang followers ng kanyang anak at aminado din siya bilang tatay na hindi nila mapipigil ang natural na talento sa musika ng kanilang anak.

 

#singalongwithnate

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

"Meron lang nagbulong sa akin baka gusto niya mag-audition sa ganito ganyan. ‘Di naman ako nagugulat kasi baby pa yan, alam na namin na meron talaga siyang talent," pagtatapos na pahayag ni Ogie.

Mapapanuod ang The Soundtrack of My Life Concert ni Ogie Alcasid sa November 30 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.