• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina, magkakaroon na ba ng sexy at daring na image sa showbiz?

Maxine Medina, magkakaroon na ba ng sexy at daring na image sa showbiz?

Sasabak na din sa pag-arte ang 2016 Miss Universe Philippines na si Maxine Medina.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/25/2017 4:02 PM
Maxine Medina, magkakaroon na ba ng sexy at daring na image sa showbiz?


 

Isa si 2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina sa mga rumampa sa katatapos lang na media presentation ng Bench Under The Stars Fashion show.

Kasama ang ilan sa mga showbiz personalities, stand out ang beauty queen na rumampa suot ang sexy underwear.

 

Last night at the @benchtm #underthestars #bench30years Press Launch.

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

Dahil dito, naging malaking palaisapan ngayon kung umpisa na ba ito ng pagpasok ni Maxine sa pagpapa sexy.

"Hindi naman po yung sobrang sexy, Fitness yun lang po, Tanungin po natin yung daddy ko (laugh) Basta po may permission from my parents," pahayag ni Maxine sa media conference ng upcoming horror film na Spirit of The Glass 2 The Haunted. 

Ayon pa kay Maxine normal na din para sa kanya ang magsuot ng sexy outfits dahil ginagawa na niya ito bago pa siya sumabak noon sa Miss Universe.

 

🌊 💦

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

"Opo kasi usually ginagawa ko naman po iyon nung modeling e," sabi pa ni Maxine. 

 

The best kind of therapy. 🌊

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

Aminado din si Maxine na conservative ang kanyang pamilya kung kaya kailangan muna niyang magpaalam dito bago siya magdesisyon ng hakbang sa kanyang showbiz career, lalo na sa pag papa-sexy.

 

I want to see you again! 🌴🌺

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) on

"Simula nung nag-enter ako sa showbiz laging sinasabi sa ‘kin ng dad ko na 'wag masyado (sexy) hanggang doon lang' kasi may respeto din naman po ako sa parents ko. Ayaw ko ng napapanuod nila ako ng biglang ganun (pa-sexy). Ang family ko is sobrang conservative so nirerespeto ko yun," pahayag pa ni Maxine.