• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Beauty queen Ganiel Krishnan to replace Ginger Conejero as Star Patroller on ‘TV Patrol’

EXCLUSIVE: Beauty queen Ganiel Krishnan to replace Ginger Conejero as Star Patroller on ‘TV Patrol’

Beauty queen Ganiel Krishnan handa na daw magtanong ng maiintrigang tanong bilang showbiz reporter.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2017 9:31 AM
EXCLUSIVE: Beauty queen Ganiel Krishnan to replace Ginger Conejero as Star Patroller on ‘TV Patrol’


Photo credit: @KrishnanGaniel twitter

 

Ang 2016 Mutya ng Pilipinas Asia Pacific winner na si Ganiel Krishnan ang papalit sa binakanteng posisyon ng dati ring beauty queen na si Ginger Conejero bilang Star Patroller ng ABS-CBN news program na TV Patrol.

Ayon kay Ganiel, pumirma na siya ng kontrata under ABS-CBN Integrated News pero dadaan daw muna siya sa three months probationary period.

“I have three months po muna to prove myself and then after that, if everything goes well I can maybe pursue it din,” kuwento ng beauty queen sa PUSH.

Nakakaramdam ba siya ng pressure that she’s replacing Ginger sa TV Patrol?

“I think, everybody naman po na nasa loob ng Patrol po talagang they’re very professional about what they’re doing and hindi naman po ako pressured pero nandyan naman po sa akin (to help) sina Gretchen (Fullido), Kuya MJ (Felipe). Everybody is helping me out kung ano po ang gagawin ko.

“And of course, yung expectations po nila, meron din po yon, pero hindi naman po nila ako binibigla sa mga pangyayari and I’m very happy na nandito po silang lahat,” paliwanag ng former beauty queen.

Bago nanalo sa Mutya ng Pilipinas, naging bahagi na rin ng Star Magic si Ganiel kaya sanay na rin daw siya kahit papaano sa showbiz.

“Back in 2012, I was part of Star Magic. Nakasama ko na rin po ang Kathniel, nakilala ko na po sila, so parang may part po sa akin na confident naman akong makipag-usap sa kanila.

“Naging friend din po ako ni Janella Salvador sa Oh, My G! Pero after ko mag-start ng UAAP career as courtside reporter, parang mas nagustuhan ko po yon,” kuwento niya.

Handa na ba siyang magtanong ng mga intriguing question sa iinterbyuhing artista as part of her job bilang Star Patroller?

Aniya, “Kaya nga po ako sumasama kina kuya MJ at sa mga events dahil gusto ko rin pong matutunan kung paano po gagawin yon. Pero right now, medyo inaaral ko pa po.

“But I think, sa mga ganun naman po, lahat naman po ng artista natin sa ABS-CBN they’re very professional and if tanungin ko man sila ng ganun, they can answer naman in a good manner.”

May mensahe naman si Ganiel sa mga lalaking taga-showbiz o kapwa reporter na magkakainteres na ligawan siya.

“I’m taken po. I have a boyfriend and ang boyfriend ko is from California, but nagba-basketball po siya dito sa Pilipinas and he’s also a businessman. From CSB (College of Saint Benilde) po siya before. Tapos may ginagawa po siya ngayon makapasok ng PBA,” huling kuwento ni Ganiel sa PUSH.