• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez, dumarami na ba ang nahuhumaling na kababaihan dahil sa kanyang pagsikat?

Empoy Marquez, dumarami na ba ang nahuhumaling na kababaihan dahil sa kanyang pagsikat?

Sinagot din ng komedyante ang isyung lumaki na ang kanyang ulo dahil sa kasikatang tinatamasa niya ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/25/2017 3:25 PM
Empoy Marquez, dumarami na ba ang nahuhumaling na kababaihan dahil sa kanyang pagsikat?


 

Isang bagong pelikula ngayon under Viva Films ang pinagbibidahan ng Phenomenal Pogi na si Empoy Marquez, ang The Barker. Kasama niya dito ang kanyang bagong leading lady na si Shy Carlos.

Ito ang maituturing na follow up movie ni Empoy after ng hit movie na Kita Kita na pinagtambalan nila ni Alessandra De Rossi.

 

Thank you kcc mall de zamboanga #12 #Thebarker #haveablesssudayeveryone 🙂📽🎬🙏

A post shared by Ok 9 (@empoy) on

Dahil sa tinatamasa ngayong kasikatan ni Empoy, iba't ibang issue din ang ibinabato sa komedyante kabilang na ang paglaki umano ng kanyang ulo.  Agad naman pinabulaan ito ni Empoy sa premiere night ng kanyang pelikula kahapon, October 24.

"Hindi naman po siguro, mas kilala ko naman po yung sarili ko." 

Bukod sa isyu ng paglaki ng ulo, napapaligiran din ngayon ng magagandang kababaihan si Empoy. Pero, focus daw talaga muna siya mga blessings na mayroon siya ngayon.

"Actually sila yung na-iinlove sa akin talaga. Bawal akong ma-in love kasi focus muna ako sa career po. Iyun ang goal ko, kaya medyo hindi ako tumitingin sa mga mata ngayon," nakangiting kwento ni Empoy. 

Pagbibiro din niya, nag-turn down na siya ng mga girls dahil ayaw niya na umasa pa ang mga ito sa kanya.

"Maghintay lang kayo ng panahon, pag-iisipan ko. Ganun kasi strict ang parents ko tsaka yung handlers ko, strict sila," pagbibiro pa ni Empoy . 

Samantala, pinaubaya naman daw ni Empoy sa kanyang management team ang pagsagot sa usapin ng pag-turn down umano nila ni Alessandra sa ilang endorsement na inaalok sa kanila ngayon.

Mapapanuod na ang The Barker ngayong October 25 na first directorial job din ni Dennis Padilla.