• Home
  • Fresh Scoops
  • Elizabeth Clenci, 2nd runner-up sa Miss Grand International 2017

Elizabeth Clenci, 2nd runner-up sa Miss Grand International 2017

Si Maria Jose Lora ng Peru ang kinoronahan na Miss Grand International ng taong ito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/26/2017 1:07 AM
Elizabeth Clenci, 2nd runner-up sa Miss Grand International 2017


Photo credits to @pinaybeautyqueens IG

 

Kinoronahan na Miss Grand International 2017 si Maria Jose Lora ng Peru habang itinanghal naman na 2nd runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Elizabeth Clenci. Nanalo naman na first runner-up si Tulia Aleman Ferrer ng Venezuela.

Tubong Cebu at may dugong Romanian, si Elizabeth lang ang natatanging Asian na pumasok sa final 5 ng kompetisyon.

Bago pa man ang coronation night, top favorite na si Elizabeth ng mga pageant enthusiast dahil sa bigay todo at karakter nitong pag rampa na tinawag pang "Hula-hoops Walk."

Bukod sa pagrampa pinahanga din ni Miss Philippines ang kanyang supporters dahil sa kanyang talino sa pagbibigay ng speech tungkol sa social issues.