• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual sa pagiging endorser: ‘I try as much as possible not to hard sell and let the product speak for itself’

Piolo Pascual sa pagiging endorser: ‘I try as much as possible not to hard sell and let the product speak for itself’

Piolo Pascual alam ang kanyang responsibilidad bilang celebrity endorser

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/24/2017 9:47 AM
Piolo Pascual sa pagiging endorser: ‘I try as much as possible not to hard sell and let the product speak for itself’


 

Pangalan pa lang ni Piolo Pascual ang naririnig ay kinikilig na ang halos lahat ng mga tagahanga niya.

Bukod sa box-office records at certified music hits, isa rin siya sa very effective endorser ng kahit anong produkto.

Pero sa kabila ng “glamor at fame,” may isang side si Piolo Pascual na paminsan-minsan, mas pinipili niya ang tahimik at relax na buhay.

Aniya, “I’ve learnt to not take my work home. Iniiwan ko sa set. Pagkatapos magtrabaho, uuwi ako sa bahay. Wala akong stress. Hindi ko ini-stress ang sarili ko.”

At kapag nasa bahay lang siya, mas makikita raw ang Piolo na mas gusto yung easy life lang at kumakain ng nakasanayan niyang comfort food tulad ng corned beef.

“Pag nasa bahay lang ako, comfort food ko ‘to. Yung nailuluto ko. Gisa-gisa, konting sibuyas,” kuwento pa ng Ultimate Heartthrob ng Pinoy showbiz.

Bilang isang certified foodie, hindi takot si Piolo na sumubok ng bago at puwedeng mas magustuhan lalo na ng panlasa niya. Kaya naman para kay Piolo, isang malaking blessing sa kanya na maging ambassador ng Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef.

“I’m happy when I tasted it. It is so good. It is something familiar yet new. This is the only corned beef with Angus Beef. Hindi malitid ang Highlands Gold Corned Beef at hindi matabang. This is definitely my kind of comfort food,” pagmamalaki pa niya tungkol sa bagong ini-endorse na pagkain.

Aminado rin si Piolo na mahilig siyang kumakain pero pinipili naman daw niya kung ano ang kanyang kakainin.

“Walang bawal sa akin. I can eat anything. Malakas akong kumain, sobra. Kaya malakas akong magwork-out. Ayokong i-deprive ang sarili ko. For me, eating is a reward,” sambit pa niya.

“So parang for me, I treat myself as a reward. Something that is precious,” dagdag niya.

Bilang isang endorser, napatunayan na nga ni Piolo ng ilang beses kung gaano siya ka-effective.

Aniya, “Based on social media, people see what you eat, what you do. I try as much as possible not to hard sell and let the product speak for itself. Kasi when I believe in a product, I’d like the people to see it, try it. With Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef, I’m very proud of it.”

Naniniwala rin si Piolo na bilang isang celebrity at endorser ay may responsibilidad siya sa publiko lalo na sa popularidad na meron ang social media ngayon. Kung paano, halos bawat galaw at kilos ay bukas sa lahat. Kumbaga, what you see is what you get.

“People nowadays like it raw, like it real,” saad niya. “Me as a host, a singer, an actor. It’s different characters.

“But what you put out there, it’s you, yourself. It’s private but it’s personal. I wanted to share my life. I want people to identify with me,” pahayag pa niya.